Vien Iligan-Velasquez Walks Down Memory Lane as She Visits College Alma Mater

Balik-tanaw sa nakaraan ang tema ngayon ng vlog ni Team Payaman member Vien Iligan-Velasquez, ang misis ni Junnie Boy at ina ni Mavi Velasquez

Tila binalikan ni Mommy Vien ang kanyang magagandang alaala bilang kolehiyala sa pagbabalik nito sa Lyceum of the Philippines University sa General Trias, Cavite. 

Ayon kay Vien, taong 2017 nang siya ay nakapagtapos ng kursong BS Tourism, pero ngayong taon lang nya makukuha ang kopya ng kanyang yearbook. 

College girl friends

Kasama ang ilan sa kanyang matatalik na kaibigan sa kolehiyo, binalikan ng 25-anyos na vlogger ang kanyang masasayang karanasan bilang isang estudyante.  

“Ire-reminisce natin ang mga kaganapan dito sa Lyceum! Grabe, nakaka-miss mag-aral,” ani Vien. 

“Nakakamiss pumasok ng school pero hindi para mag-aral, para sa tropa, yan ang namimiss ko!” dagdag pa nito.

Unang pinuntahan ng barkada ang tanggapan ng Alumni Affairs sa Lyceum para kunin ang kani-kanilang yearbook. Dito nakita rin nila ang kanilang mga graduation picture kung saan talaga namang neneng-nene pa ang look ng mga ito. 

Hindi rin pinalagpas ng magkakaibigan ang pagpapakuha ng litrato sa harap ng estatwa ni Dr. Jose P. Laurel – ang ikatlong pangulo ng Pilipinas at ang nagtatag ng nasabing institusyon. 

Sa tulong ng ilang 3rd year college student ng Lyceum ay nakumpleto ng magkakaibigan ang kanilang photo op sa dating paaralan. 

Looking back

Bago tuluyang umalis sa paaralan ay namasyal muna sina Vien Iligan-Velasquez at mga kaibigan nito sa loob ng campus. 

Kasabay ng paglibot sa paaralan ay ang pag-aalala nila sa ilang hindi makakalimutang kaganapan gaya ng pag surpresa sa isa nilang kaibigan at ang kanilang mga sawi moments bilang kolehiyala. 

Tinapos ang barkada ang kanilang araw sa pagkain sa isang restaurant habang tinitignan ang laman ng yearbook. 

Kita sa naturang yearbook ang graduation picture ni Vien na may kasamang motto na: “What feels like the end is often the beginning.”

Ibinahagi rin ni Mommy Vien ang ilang throwback pictures kasama ang barkada.

Watch the full vlog below: 

Kath Regio

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

1 day ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

2 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

2 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

2 days ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

3 days ago

This website uses cookies.