Sa pagpapatuloy ng kanyang Japan Travel Vlog series, muling ibinahagi ni Steve Wijayawickrama ang ilan sa kanyang mga karanasan sa tinaguriang “The Land of the Rising Sun.”
Sa panibagong pagkakataon, mas lalong naging bukas ang Team Payaman editor-turned-vlogger sa kanyang mga tagapanood, dahilan upang ibahagi nito ang isa sa kanyang mga insecurities.
Steve’s Hot Spring Experience
Sa kanyang bagong vlog, isinalaysay ng 24-anyos na vlogger ang isa sa kanyang mga insecurities, dahilan kung bakit takot siyang subukan ang hot spring pool sa Japan.
Sa kabila nito ay lakas loob na nagtungo si Steve sa malapit na hot spring kasama ang kanyang mga kamag-anak.
Una nang pinangunahan ng kaba at takot si Steve dala ng kanyang itinatagong insecurity —ang kanyang katawan.
Bago pa man sumabak at harapin ang kanyang takot, nilibot muna ni Steve Wijayawickrama ang lugar at binigyan ng virtual tour ang kanyang 376,000 YouTube subscribers.
Nang pasukin na ni Steve ang “private hot spring,” agad siyang binalutan ng kaba sapagkat bago sa kanya ang mga gawain ng mga Hapon sa loob ng hot spring.
Sa kabila ng takot ay hindi nag-atubiling maki-isa ang Filipino-Sri Lankan vlogger ng Team Payaman at buong tapang na hinarap ang kanyang takot at hiya.
Hubo’t-hubad ang peg ni Steve sa kanyang kauna-unahang hot spring experience sa Japan na nagsilbi ring bagong karanasan para sa kanya.
Matapos ang extreme hot spring experience, kinumpleto ng Wijayawickrama family ang kanilang relaxing adventure sa pagkain ng mga masasarap na Japanese food.
Japanese Culture Realization
Sa huli ibinahagi rin ni Steve Wijayawickrama ang kanyang natutunan sa nasabing karanasan.
“I realized that there’s nothing to be ashamed of. Body is an art and I knew deep inside myself that [even if I got naked] at the end of the day, they didn’t care on how I look, and they just cared on how they would have a good time. That’s what I really learned.”
Watch the full vlog below: