Baninay in Paris: VIYLine Ambassadress Tours The City of Love

Matapos puntahan ang Singapore at ilang mga bansa sa Europa, game na game namang ibinahagi ni Aqua Cream by VIYLine Cosmetics ambassadress Baninay Bautista ng kanyang memorable travel experience sa Paris, France. 

Sa kabila ng magagandang tanawin ay ang nag-uumapaw ding reyalisasyon ng YouTube vlogger sa kanyang munting paglalakbay sa City of Love.

Dream travel destination

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng 26-anyos na vlogger ang mga karanasan sa Paris na tinaguriang City of Love. Kasama ni Baninay sa bakasyon na ito ang kanyang longtime boyfriend na si Bont Bryan Oropel at mga kapwa vlogger gaya nina Agassi Ching, Jai Asuncion, at Albert Nicolas, a.k.a Asian Cutie.

Una sa listahan ng “Europe Team” ang bisitahin ang Disneyland Paris. Sa tulong ng mobile booking application na Klook, hindi na nila kinailangan pang pumila upang bumili ng ticket. 

“This is my second Disneyland na. Parang gusto ko maging goal na mapuntahan lahat ng Disneyland sa buong mundo,” ani Baninay. 

Dagdag pa nito: “Nakaka-dalawa [na Disneyland] palang ako. Kasi habang nandito ka sa Disneyland, parang feeling mo, bata ka ulit! Ganu’ng level! Kasi yung excitement mo, grabe! Ewan! It feels like I am a child again!” 

Matapos masaksihan ang Disneyland Parade, hindi pinalampas ng grupo na sumubok ng ilang mga rides. At syempre, hindi kumpleto ang Disneyland adventure kung walang masarap na hapunan kasama ang buong tropa.

Eiffel Tower

Kinabukasan nagtungo si Aqua Cream by VIYLine Cosmetics model Baninay sa iconic Eiffel Tower na matatagpuan sa Paris.

“Oh my gosh, super lapit. Ang laki! Oh my God! So magical! Ang ganda pala talaga niya!” ani Baninay ng makita ng malapitan ang isa sa pinakasikat na tourist spot sa mundo. 

Labis ang tuwa ng dating Pinoy Big Brother housemate sa kanyang nasaksihan dahil isa lang aniya ito sa mga lugar na dating pangarap niyang marating.

Samantala, matapos bisitahin ang Eiffel Tower ay nagtungo ang magnobyong Bont at Baninay sa pinakamalapit na kainan upang kumain ng umagahan.

“Isa na ito sa pinakamasayang breakfast sa buhay ko. Breakfast in front of Eiffel Tower, ang saya!” ani Bont.

Paris shopping experience

At syempre, hindi uuwi ng luhaan dahil hindi na naman pinalampas ni Baninay ang makabili ng designer item sa Paris.

Walang pag aatubiling binili ni Baninay ang kanyang pangarap na Hermes Oran Sandal na syang sinuportahan naman ng kanyang longtime boyfriend.

“You deserve it baby!” ani Bont.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Vien Iligan-Velasquez Champions Confidence Amidst Battle with Hormonal Acne

Aside from the intense heat and sweat the summer season brings, it also sets the…

11 hours ago

Spend The Weekend At Viyline MSME Caravan SM City San Pablo

Nowhere to go this weekend? Since payday is just around the corner, why not treat…

1 day ago

Bring Out The Ninong Ry Fan In You With His Official Merch

A Filipino chef and content creator, Ryan Morales Reyes, a.k.a. “Ninong Ry”, has released his…

2 days ago

Empowering WomENPLOYEES: Viyline Celebrates International Women’s Month

As the International Women’s Month celebration comes to a close, Viyline Group of Companies honors…

2 days ago

This Is How Yiv Cortez Maintains Her Youthful Glow

Hindi maitatanggi na isa ang Team Payaman Next-Gen vlogger at nakababatang kapatid ni Viy Cortez-Velasquez…

3 days ago

Top Places to Visit in Taiwan: Alex & Mikee’s Fun-Filled Taipei Adventure

Isa ang bansang Taiwan sa mga binibisita ng mga mahilig sa food trip, adventure, o…

4 days ago

This website uses cookies.