Steve Wijayawickrama Shares Travel Mishaps to Japan

For today’s video, byaheng Japan si Team Payaman member Steve Wijayawickrama. Pero bago makarating sa “Land of the Rising Sun” ay sangkatutak na pagsubok muna ang hinarap ng Filipino-Sri Lankan vlogger.

Totoo kayang na-scam si Steve bago lumipad sa kanyang dream destination? Samahan nyo kami at ating alamin ang kaganapan sa likod ng kanyang epic adventure. 

Airport Misfortune

Matapos ang pagsasaliksik ng pinaka tahimik na lugar sa mundo, napagtanto ni Steve Wijayawickrama na nais niyang bisitahin ang Mt. Fuji sa Japan dahil kilala ito bilang “most peaceful” destination sa mundo.

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng Team Payaman editor-turned-vlogger ang karanasan sa airport bago tuluyang nakatungtong sa Japan. 

Bago pa man makarating ng paliparan, humarap si Steve sa ilang dagok kagaya ng hindi mapigilang trapiko sa Maynila. 

“And I knew, I wouldn’t make it in time… and I missed my flight” pangambang kwento ni Steve. 

Bagamat naiwan ng kanyang sasakyang eroplano, hindi pa rin nawalan ng tiwala ang 24-anyos na vlogger na makakarating sa kanyang dream destination, kung kaya’t bumili muli ito ng ticket.

Sa kasamaang palad, sa ikalawang pagkakataon ay nakaligtaan muli ni Steve ang kanyang flight papunta sa Japan ngunit sa pagkakataong ito, hindi aniya niya ito kasalanan. 

It wasn’t part of my plan to vlog this. I just wanted to have my vlog in Japan. But this is the society we need to expose,” dismayadong salaysay ni Steve. 

Dahil walang ibang opsyon, napilitang bumili ng ikatlong ticket Steve papuntang Japan upang matuloy na ang kanyang naudlot na adventure sa Most Peaceful Place on Earth.

A Lesson Learned

Sa ikatlong pagkakataon, tuloy na tuloy na ang pinapangarap na Japan adventure ni Steve.

Hindi man pinalad na makalipad sa kanyang unang tangka, nagsilbi namang aral kay Steve ang kanyang karanasan mula sa kakaibang airport experience. 

“You have to look on the brighter side even if the day wasn’t good.”

Dagdag pa nito: “As cliche or overrated as it may sound, there is always a rainbow after the rain. It will never be a smooth journey, but it never fails to make us realize that all the turbulence, all the stopovers, and all the delays are worth it. Because our destination would be a hundred more times worth it.” 

Ang mga katagang ito ay nagsilbi ring inspirasyon sa kanyang mga taga-suporta na siya ring nakasubaybay sa kanyang mga ganap sa buhay.

Tsok TV: “This vlog shows how this airport messes up the process for its passengers. I am disappointed with how the airport handled the operations and situations but as Steve said, you have to look on the brighter side even if the day wasn’t good. Love your videos, man! The style is unique! Keep it up!”

Pablo Mariano: “I’m very disappointed at the airport! But move on… We don’t want to look on the negative side… We are looking forward to the positive side. So, let’s go my friend! We are excited for your next vlog. We love you!”

Sabay-sabay nating abangan ang inihandang “Steve in Japan” series ni Steve Wijayawickrama sa kanyang official YouTube channel.

Watch the vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Team Velasquez-Gaspar Welcomes The New Year With A New Home

Masayang sinalubong ng mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar ang bagong taon sa kanilang bagong…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Gives a Sneak Peek of Their Family’s New Abode

Isa sa mga labis na ipinagpapasalamat ng pamilya Iligan-Velasquez ay ang paglipat nila sa kanilang…

3 days ago

Netizens Melt Over Cong TV’s Nostalgic Christmas Content for Kidlat and Tokyo

Isang nakakaantig na Christmas content ang hatid ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez,…

6 days ago

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

1 week ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

2 weeks ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 weeks ago

This website uses cookies.