Simula na ang “Ber months” at isa lang ang ibig sabihin nito para sa mga Pilipino! Oras na para mamili ng mga pang regalo sa pamilya at kaibigan para sa darating na Kapaskuhan!
At dahil pinag-uusapan ang Christmas shopping, usapang shopping habits naman sina Junnie Boy, Burong, Boss Keng, at Tier One Entertainment CEO Tryke Gutierrez, sa bagong episode ng Payaman Insider podcast sa Spotify.
Ano nga kaya ang kakaibang shopping habits ng Team Payaman boys? Sabay-sabay nating alamin at matuto ng ilang shopping lessons!
Para umpisahan ang kwentuhan, unang tinanong ng Tier One big boss kung anong klase ng mamimili sina Junnie Boy, Burong, at Boss Keng. Kung sila ba yung tipong nangunguna sa shopping o nakaupo lang at naghihintay sa kani-kanilang mga misis at nobya.
Ayon kay Boss Keng, kapag kasama nya si Mrs. Pat Velasquez-Gaspar, nagmimistulang chaperone ang kanyang role, pero pag siya ang may kailangan bilhin ay dire-diretso ang kanyang lakad.
Para naman kay Burong, depende sa pupuntahan na lugar o store ang kanyang mood sa pagsha-shopping.
Samantala, si Junnie Boy naman ay naghahanap ng kanyang pagkakaabalahan o mabibili sa mall sa tuwing alam nyang matatagalan sa pamimili ang misis na si Vien Iligan-Velasquez.
Dahil papalapit na ang kapaskuhan, pinag-usapan na rin ng tropa kung paano ba maging responsableng mamimili at hanggang saan nga ba dapat ang limitasyon sa tuwing magsha-shopping.
Payo ni Boss Keng na gumastos lang ng at least 10% sa sobrang budget at tumigil mamilil sa oras na sapat na ang dapat bilhin. Para naman kay Junnie Boy, gastusin lang ang extra na pera para sa shopping.
“Kung nakakaluwag ka, okay lang na mag-shopping ka ng alam mong extra mo yung pera na yun. Pero kung sakto lang yung kaya mong bilhin, ‘wag ka ng mag shopping at baka may iba ka pang mapaggamitan ng pera mo,” paliwanag ni Junnie.
Ibinahagi naman ni Burong ang kanyang “7-Day Rule” sa pagsha-shopping. Ibig sabihin lang nito, sa oras na may magustuhan syang bagay ay palilipasin muna nya ang pitong araw at pag-iisipan kung kailangan o gusto ba niya talaga itong bilhin.
“Iniisip ko mabuti kung kailangan ko na ba ‘tong bilhin agad. Ginagawa ko naghihintay ako ng seven days, after seven days at gustong-gusto ko pa rin syang bilhin, bibilhin ko na yun. Ibig sabihin kailangan kong bilhin yon,” dagdag pa nito.
Samantala, gusto naman ni Boss Tryke na makapag canvass muna o makita lahat ng kanyang option bago mag desisyon bumili ng isang bagay.
“Ayoko kasi nung feeling na pagbili mo tapos may makikita ka sa ibang store na mas mura pala o mas maganda,” paliwanag ni Tryke Gutierrez.
Listen to the full episode below:
Mula sa pagbabahagi ng kanyang “buhay estudyante” sa kanyang mga vlogs at TikTok content, isang…
Kakaibang Halloween special ang ibinahagi ng Team Payaman squad sa bagong vlog ni Clouie Dims. …
This article is sponsored by Salveo Barley Grass. There are a few more weeks to…
Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ipinanganak ng Team Payaman power couple na sina…
Hindi na maitatanggi na punong-puno ng saya at pagmamahal ang Pamilya Cortez-Velasquez. Naririto ang ilan…
Matapos ang home-schooling kasama ang ibang Team Payaman kids, sasabak naman ngayon si Kidlat sa…
This website uses cookies.