Baby Kidlat Mimics Michael Jackson’s ‘Beat It’ Costume for 2nd Monthly Photoshoot

Ngayong araw, Sept. 5, ay ipinagdiriwang ang ikalawang buwan ng panganay nina Cong TV at Viy Cortez na si Baby Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat.

Sa kanyang bagong vlog, pinasilip ni Viviys ang ilang kaganapan sa likod ng 2nd monthly milestone photoshoot ni Kidlat.

Muling nag-ala Michael Jackson ang unico hijo nina Viy at Cong sa kanyang “Beat It” themed photoshoot. 

TP Kids Ambassador

Bago sumabak sa kanyang Michael Jackson theme photoshoot ay game na game munang nag-pose si Baby Kidlat kasama ang mga educational books at toys mula sa TP Kids. 

Ayon sa VIYLine CEO, bilang unico hijo nya ay si Kidlat ang magsisilbing brand ambassador ng TP Kids na ngayon pa lang ay kinagigiliwan na ng mga kabataan at kanilang mga magulang. 

“Wala pa syang kaalam alam biglang brand ambassador na sya ng TP Kids kaya siya ang mukha non,” biro ni Mommy Viy.

Mabibili ang educational books at learning materials sa official Shopee, Lazada, at TikTok shop ng TP Kids.

Eksklusibo ring pinakita ng 26-anyos first-time mom ang bonding nila ni Kidlat sa tulong ng mga libro mula sa TP Kids. 

Ganado si Mommy Viy na basahan ng mga short story ang kanyang panganay na tiyak na makakatulong sa kanyang pag-iisip. 

Beat It

Ang kantang “Beat It” ay isa sa mga hit song ng tinaguriang “King of Pop” mula sa kanyang Thriller album noong 1982. 

Bilang number one fan ni Michael Jackson, pinanindigan ni Mommy Viy na gawing tema ng monthly photoshoot ni Kidlat ang mga sikat na kanta ng yumaong pop star. 

Cute na cute si Baby Kidlat suot ang kanyang red jacket at black pants na animoy handa ng humataw sa sayaw ala Michael Jackson. 

Sa tulong The Baby Village Ph ay naisakatuparan muli ang MJ theme photoshoot na pangarap ni Mommy Viy para kay Kidlat. 

At syempre kinumpleto naman ng Custom Cakes by Bam ang selebrasyon dahil sa customized Beat It theme cake ni Kidlat. 

Watch the full vlog below: 

Kath Regio

Recent Posts

Team Velasquez-Gaspar Welcomes The New Year With A New Home

Masayang sinalubong ng mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar ang bagong taon sa kanilang bagong…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Gives a Sneak Peek of Their Family’s New Abode

Isa sa mga labis na ipinagpapasalamat ng pamilya Iligan-Velasquez ay ang paglipat nila sa kanilang…

3 days ago

Netizens Melt Over Cong TV’s Nostalgic Christmas Content for Kidlat and Tokyo

Isang nakakaantig na Christmas content ang hatid ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez,…

7 days ago

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

1 week ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

2 weeks ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 weeks ago

This website uses cookies.