Team Payaman Wild Cats Hop Into The Latest TikTok Trend

Game na game na kumasa sa isang TikTok challenge trend ang ilang Team Payaman girls kamakailan lang na talaga namang kinagigiliwan ng netizens. 

Patok ngayon sa iba’t-ibang social media platforms, partikular sa TikTok ang “A Message Where It All Started.” Hindi nagpahuli sa nasabing trend ang Team Payaman Wildcats sa pangunguna nina Viy Cortez, Vien Iligan-Velasquez, at Karen Villes, a.k.a Kha-Kha.

Hatid na ng VIYLine Media Group (VMG) ang ilan sa mga kilig-much reactions ng netizens sa kanilang TikTok entry!

“A Message Where It All Started” Trend

Sa nasabing social media trend, binabahagi ng mga TikTok users ang kanilang unang message conversation sa social media platforms. 

Kaliwa’t-kanan ang entry ng mga netizens sa nasabing trend kung kaya’t hindi nagpahuli ang ilang TP Wild Cats sa pagpasa ng kanilang bersyon gamit ang kani-kanilang TikTok account.

With over 7 million views, top trending ang entry ng soon-to-be mom of two na si Vien Iligan-Velasquez sa kanyang legendary “Hi kyah!” message sa hubby nitong si Junnie Boy.

“Ang landi ko kainis!!!!!!! Nainlove lang naman ako! Pa-add ako kyah @JunnieBoy!” ani Vien sa caption.

Sinong mag-aakala na ang simpleng “Pa-add naman po, kyah!” ay mauuwi sa kasalan at pagbuo ng sariling pamilya?

Hindi naman nagpahuli ang first-time mom na si Viy Cortez sa kanyang entry sa nasabing TikTok trend gaining more than 1 million views.

“Kaway-kaway sa mga babaeng nag first move!” ani Viviys.

Hindi kinakahiya ng 26-anyos na vlogger na siya ang nag first move sa longtime boyfriend nitong si Cong TV.

Noon pa man ay trending na ang kanilang first ever conversation na syang umani ng mga papuri matapos itong ipost ni Viy Cortez sa kanyang Facebook account upang alalahanin ang kanilang unang pag-uusap ng nobyong si Cong TV.

No boyfriend, no problem! Far from the usual, sumabay rin sa trend ang masipag na VIYLine Cosmetics Sales Manager at isa sa mga matalik na kaibigan ni Viy Cortez na si Karen Villes, a.k.a Kha-Kha.

“Dahil walang jowa ang ferson, ito ang entry ko!” ani Kha Kha.

Matapos ang pag-iintay na ma-accept ng VIYLine CEO ang kaniyang friend request,  hindi inakala ni Kha Kha na tatagal ang kanilang pakikipagkaibigan ng kaniyang boss. 

“July 2019 VIYLine girl na ako haha!” dagdag pa nito.

Kilig Much Reactions

Hindi nagpahuli ang mga netizens sa pagpapadala ng kanilang kilig much reactions matapos mapanood ang TikTok entry ng TP Wild Cats.

Inulan ng mga positibong komento at paghanga ang TP Wild Cats sa kanilang buong tapang na galawan sa kanilang mga ka-relasyon.

@Cecelia: “Viy and Vien moves!”

@zhaia: “Viy and Vien fell first but Cong and Junnie fell harder.”

@pia: “[Ang] bait [nila], parang lahat ng payaman girls yung nagfi-first move”

@huh: “Si Vien at Viy yung umuudyok sa akin na mag-first move na rin!”

Yenny Certeza

Recent Posts

Team Payaman’s Clouie Dims Explores China for the First Time

Walang katapusang adventure ang hatid ni Clouie Dims sa kanyang YouTube channel, kung saan ibinahagi…

9 hours ago

Harake Siblings Reveals The Real Story Behind Zeinab’s ‘Arat Na!’

Isa ang mga katagang “Arat Na!” sa mga tumatak sa mga manonood ng vlogger na…

14 hours ago

Inclusive Fashion: Ivy’s Feminity to Launch New Everyday-Wear Collection For Men and Women

Known for their Instagrammable and affordable women’s OOTD selections, Ivy’s Feminity is set to level…

2 days ago

Netizens Applaud Team Payaman’s Vienna Iligan’s Sunsilk Endorsement

Mula sa pagbabahagi ng kanyang “buhay estudyante” sa kanyang mga vlogs at TikTok content, isang…

4 days ago

Team Payaman Embarks on a Spontaneous 24-Hour Puerto Galera Trip

Kakaibang Halloween special ang ibinahagi ng Team Payaman squad sa bagong vlog ni Clouie Dims. …

4 days ago

Top 5 Tips to Enjoy Team Payaman Fair 2024: The Color of Lights

This article is sponsored by Salveo Barley Grass. There are a few more weeks to…

5 days ago

This website uses cookies.