Netizens Gets Emotional Remembering Emman Nimedez Through the Music Video of his Last Song, ‘Simula’

Dalawang taon matapos pumanaw dahil sa sakit na leukemia, nananatiling buhay ang alaala ni Emman Nimedez para sa Team Payaman. 

Sa ikalawang taon ng pagkawala ng tinaguriang “Pambansang Oppa” ng Pilipinas ay kanya-kanyang pag-alala ang ginawa ng Team Payaman kay Emman. 

Nangunguna na dyan ang ever-supportive na ama ni Emman na si Daddy Louie Nimedez sa  isang Facebook post.

“Maraming maraming salamat po sa inyong lahat Cong, Junnie Boy, Direk Titus, Awi, Kiyo, Alisson, Boss Keng, Yow, at sa lahat po na kasama sa video, mga nasa likod ng camera, at mga tumulong upang maisagawa ang huling kanta ni Idol Emman” ani Daddy Louie patungkol sa music video ng unreleased song ni Emman na “Simula.”

Emman Nimedez Legacy

Bagamat pumanaw sa murang edad ay nag-iwan ng malaking marka si Emman sa larangan ng vlogging. Tumatak ang kaniyang karakter at talento sa milyon-milyong tagahanga ng Team Payaman. 

Bukod sa vlogging, kilala rin si Emman sa kanyang talento sa paggawa ng short films, music videos, at maging bilang isang musikero. Katunayan, limang buwan bago pumanaw ay nakapag release ito ng kanyang unang kanta na “Teka Lang” na ngayon ay mayroon ng higit 40.1 million views sa YouTube. 

Bago pumanaw ay nagsilbi rin bilang Creative Director ng Tier 1 Entertainment  at nakatakdang gumawa ng ilang proyekto kasama ni Tier 1 co-founder Tryke Gutierrez. 

Emman Tribute

Emosyonal naman ang ilang kaibigan ni Emman dahil sa nilabas na music video ng kantang “Simula,” na sinulat mismo ni Emman ngunit hindi na naisapubliko.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Viy Cortez na alinsunod sa pangalan ni Ninong Emman ang pangalan ng panganay nila ni Cong TV na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Baby Kidlat. 

“​​Grabe ang iyak ko dito [sa music video]. Miss you Emman, love you! Bantayan mo lagi si Kidlat ha lalo na kapangalan mo ang inaanak mo.”

Samantala, nagbahagi rin ng kanyang mensahe ang direktor ng nasabing music video na si Titus Cee. 

“Isang umaga ako’y nagising galing sa panaginip ng mapansin ko ang mga mata ko na galing sa pagkakaiyak. Mga luha na iyong dinala tols. Mensahe na binigay mo sa mga tao. Hindi ka man namin kasama ngayong pisikal pero nasa tabi ka namin palagi. Sana hindi ka namin binigo, salamat sa mensahe mo para sa madla!” pahayag ng direktor.

Netizens’ Sympathy

Sa kabilang banda, nagpahatid naman ang mga netizens ng kanilang pagalala sa yumaong YouTube content creator. 

Carl Justine Samonte Guinto: “Ang gaganda na siguro lalo ng mga obra mo ngayon idol. I love you idol!”

Antonio Bathan: “Miss you, man! Habangbuhay maaalala ang tulad mong alamat!” 

Rowena Gobris: “Every single day, pinapatugtog ko pa rin mga kanta mo. Walang mintis kaya sobrang saya ko may isa pang habol na madadagdag sa pang araw-araw ko. Miss na miss kita, Emman!”

Likes:
0 0
Views:
2274
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *