Higit isang buwan na ang nakakalipas ng opisyal na maging magulang ang YouTube power couple na sila Cong TV at Viy Cortez. Anu-ano na nga ba ang nagbago sa kanilang relasyon simula ng dumating si Baby Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat?
Sa latest vlog ng 26-anyos first-time mom, harap-harapang sinagot ng Team Payaman love birds ang tanong ng kanilang mga supporters sa kanilang karanasan bilang first time parents.
Paano kaya sinagot ng dalawa ang mga nagbabagang tanong ng netizens tungkol sa kanilang parenting kay Baby Zeus? Sagot na ng VIYLine Media Group (VMG) ang virtual chikahan natin for today!
Q&A With Cong and Viy
Sa kaniyang bagong YouTube upload, naisipan ni Viy Cortez na magsagawa ng Q&A portion bilang parte ng kanyang vlog segment.
But wait, hindi lang siya ang sasagot ng mga katanungan dahil nagpadala rin ang kanyang mga supporters ng mga tanong para sa long-time partner nito na si Cong TV.
Pero hindi pang karaniwang Q&A ang peg ng vlog na ito dahil ang mga katanungan ay tungkol na sa kanilang karanasan at plano bilang mga magulang ni Baby Kidlat.
Sinimulan ang katanungan sa kung ano nga ba ng tunay na pangalan ni Baby Kidlat at kwento sa likod nito.
“Zeus Emmanuel Cortez Velasquez. Yung Zeus, dahil sa Kidlat na pinangalanan ni Junnie Boy. Yung Emmanuel, nung nawala si Emman, binulong ko sa kanya ‘Man, lapit mo naman ako kay Lord. Baka naman maihihingi mo ako ng baby, kasi gustong gusto ko na,” paliwang ni Daddy Cong.
Dagdag pa nito, “Tinukayo ko si Kidlat sa Ninong niya [Emman].”
At syempre, hindi mawawala ang pangangamusta ng Team Payaman fans sa Cong TV at Viy Version 2.0, a.k.a the parents version.
“Mas naging responsable kasi alam mo nang may buhay na naka-asa sa’yo eh. So syempre, mas tinitignan mo na yung future ngayon. Mababaw na yung puyat, yung wala ka ng [time] sa sarili mo” sagot naman ni Mommy Viy.
At ang sagot naman ng long-time couple sa kung anong kasarian ang pangarap nila para sa magiging kapatid ni Baby Kidlat: “Ako okay naman ako kahit parehas boy para may nagsusuntukan. Tapos pag girl naman, okay din kasi bunso, tapos may kuya” ani Viviys.
Hindi rin napigilang ng netizens na kamustahin ang naging karanasan ni Viy bilang first-time mom.
“Sobrang saya, parang araw-araw mother’s day. Ako, naeenjoy ko parang yung feeling na may tao na gustong gusto ako palagi. Masaya ako na parang mayroon na akong best friend. Mayroon na akong taong [bukod kay Cong] na kasama ko hanggang pagtanda ko.”
Watch the vlog below: