And just like that, Baby Kidlat just turned one month old!
Para ipagdiwang ang unang buwan ni Baby Kidlat, muli na namang nag-pose sa harap ng camera ang panganay nina Cong TV at Viy Cortez.
Tara, samahan niyo kami sa VIYLine Media Group (VMG) at silipin natin ang mga kaganapan sa likod ng milestone photoshoot ni Baby Zeus Emmanuel Cortez Velasquez.
Ang tema first month photoshoot ni Baby Kidlat ay hango sa 1988 hit song ni Michael Jackson na “Smooth Criminal.”
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na si Viy Cortez ay isang avid Michael Jackson fan. Matatandaang buntis pa lang ay nagpahayag na ito ng pagnanais na ang mga hit song ng tinaguriang “King of Pop” ang maging tema ng monthly photoshoot ni Baby Kidlat.
Suot ang kaniyang all-white tuxedo, muli na namang napukaw ni Kidlat ang puso ng netizens.
Ang first month photoshoot na ito ni Baby Kidlat ay naging posible dahil sa creative team by The Baby Village Ph. Sila rin ang gumawa ng costume, backdrop at kumuha ng mga litrato para sa nasabing photoshoot.
Samantala, hatid naman ng Custom Cakes by Bam ang Smooth Crimina-themed cake para sa first month ni Baby Kidlat.
Sa kaniyang latest vlog, pinasilip ng 25-anyos first-time mom ang naganap na photoshoot ni Kidlat. Hindi ito ang unang beses na humarap ang kanilang unico hijo sa camera dahil nagkaroon na rin ito ng newborn photoshoot kamakailan lang.
Kaya naman tila para professional na sa pagpose ang YouTube baby ng taon. Tila hindi nahirapan ang mga photographer dahil super behave lang si Kidlat buong photoshoot session.
Watch Kidlat’s 1st month photoshoot below:
Kakaibang Halloween special ang ibinahagi ng Team Payaman squad sa bagong vlog ni Clouie Dims. …
This article is sponsored by Salveo Barley Grass. There are a few more weeks to…
Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ipinanganak ng Team Payaman power couple na sina…
Hindi na maitatanggi na punong-puno ng saya at pagmamahal ang Pamilya Cortez-Velasquez. Naririto ang ilan…
Matapos ang home-schooling kasama ang ibang Team Payaman kids, sasabak naman ngayon si Kidlat sa…
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Feast of Our Lady of the Rosary tuwing Oktubre, isinasagawa…
This website uses cookies.