Boss Keng Shows Glimpse of Team Payaman Claveria Adventure

Biyaheng Claveria, Cagayan ang ilang miyembro ng Team Payaman, partikular na ang Velasquez Family para sa isang pang malakasang family reunion. 

Sa kaniyang latest YouTube vlog, pinasilip ni Boss Keng nagdaang bakasyon ng tropa sa Claveria, para sa reunion ng Velasquez Family at kaunting pasyal sa probinsya. 

Sa kabila ng mahabang byahe ay mainit na sinalubong ng buong angkan ng Velasquez ang grupo. 

Ayon nga kay Boss Keng, tiyak na magiging madalas na ganitong content sa kanyang mga vlog at tatawagin niya itong “Boss Keng Travel and Tours,” dahil mas mapapadalas na rin daw ang kanilang travel ng kanyang misis na si Pat Velasquez-Gaspar

Claveria adventure

Nilibot nina Boss Keng, Datwo, Beigh at iba pang TP boys ang ganda ng mga tanawin sa Claveria. Ika nga ni Boss Keng, “Parang Siargao!” 

Samantala, maraming kabataang bikers naman ang nakakilala sa grupo at sumunod sa kanilang road trip. Namigay din si Boss Keng ng P1,000 para sa biker na makakasunod sa kanilang sasakyan. 

Sa kanilang ikalawang araw sa nasabing probinsya, tinungo naman Team Claveria ang Kadkarin Falls. Dito muling nakasama ng grupo ang kanilang bunso at “bebe boy” na si Igme. 

Aliw na aliw naman sa pagtampisaw ang panganay nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez na si Mavi. 

Naglaan rin ang Velasquez fam ng oras upang bisitahin ang puntod ng magulang ni Papa Shoutout o ang lolo ng magkakapatid na Cong TV, Venice Velasquez, Junnie Boy, at Pat. 

Tinapos nga ni Boss Keng ang naturang vlog sa pagpapakita ng magagandang tanawin sa Claveria, Hindi rin nagpahuli ang buong Team Payaman na sulitin ang kanilang maikling bakasyon dito.

Samanhan natin si Boss Keng at iba pang Team Payaman at Velasquez family at balikan ang angking ganda ng  Claveria, Cagayan. 

Watch the full vlog below:

viyline.net

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

10 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

21 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

21 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

21 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.