Biyaheng Iloilo City ang ilang miyembro ng Team Payaman para dumalo sa soft opening ng BigRoy’s Boodle Fight by Robejes Wonders. Kasabay nito ay ang kaarawan ni Carding Magsino, kaya naman lalong naging espesyal ang bakasyon ng tropa.
Kamusta naman kaya ang naging birthday adventure ni Carding kasama sina Yow Andrada, Kevin Hermosada, Steve Wijayawickrama, Mentos at Bok?
Tara, samahan ang VIYLine Media Group (VMG) dahil sagot namin ang virtual kwentuhan kasama ang ilan sa Team Payaman Wild Dogs!
Carding Birthday Prank
Sa latest YouTube vlog ni Mentos, binahagi nito ang binalak na birthday prank ng grupo para kay Carding Magsino. Hindi pinalampas ng magkakaibigan ang planong gawing mas memorable ang Iloilo City trip ng birthday celebrant kasabay ng kanilang surpresa.
Kinasabwat ng grupo ang hotel admin na kanilang tinutuluyan upang mapabilis ang kanilang birthday prank para kay Carding.
Sinimulan ni Mentos ang birthday prank sa pamamagitan ng “vaping problems” technique.
“Titignan muna natin yung problema natin dito. Nagve-vape tayo kagabi” ani ni Mentos.
Agad din namang umakyat sa kanilang hotel room ang kasabwat na hotel staff upang i-prank si Carding.
“Nag-alarm po yung smoke detector po namin. Nacheck po namin yung amoy, amoy sigarilyo po.” pagsasalaysay ng hotel staff.
Speechless ang birthday boy at halatang kabado na mapaalis sa tinutuluyang hotel.
Dagdag pa ng hotel admin: “Mayroon pong charge yan Sir, eh. Kasi No Smoking po [tayo] dito Sir, eh,” na siyang kinagulat ng birthday celebrant.
“Kailangan po Sir [na umalis]. Kasi yung management po, maano po ‘yan. Kaya akyat po kayo sa management, ngayon” pagbabanta ng hotel admin.
Matapos ang ilang minutong pangangamba, agad pumasok si Steve dala ang kanilang munting surpersa para sa birthday boy.
“Happy Birthday to you!” sabay-sabay na pagbati ng TP Wild Dogs.
Mula sa iyong VIYLine Media Group family, Happy Happy Birthday Carding Magsino!
Team Payaman’s Visayan Adventure
Sa nasabing vlog, ibinahagi rin ni Mentos na first time nyang sumakay ng eroplano kung kaya’t magkahalong kaba at excitement ang naramdaman nya sa kanilang Iloilo City adventure.
Hindi pa man nakakababa ng eroplano ay kaliwa’t kanan na ang halakhak moments ni Mentos at Yow Andrada habang hinihintay ang kanilang take off.
Pagdating sa kanilang destinasyon ay isang malupit na food trip ang tumambad sa grupo na sagot siyempre ng BigRoy’s Boodle Fight by Robejes Wonders.
“Sobrang grabe yung soft opening nila [Big Roy’s]” ‘yan lamang ang nasabi ni Mentos sa kanyang dinatnan na Soft Opening ng Big Roy’s Ilo-Ilo.
Watch the full vlog below: