VIYLine Niyanig ng 7.7 Thunder Promo Sale! Orders Bumaha!

Amazing at sobrang blessed – ganito inilarawan ng VIYLine Sales Manager ang nagdaang 7.7. Thunder Sale kung saan muling binaha ng orders ang negosyo ni YouTube content creator Viy Cortez. 

Dahil dyan, libu-libong orders na naman ang kailangan balutin at ipa-deliver ng VIYLine girls dahil sa walang-sawang suporta ng mga Viviys at buong Team Payaman fans. 

Matatandaang pagkatapos isilang si Kidlat noong July 5, 2022 ay sinundan naman ito ng bagsak-presyong 1-DAY SALE sa lahat ng VIYLine products. Bukod sa pagsabay sa 7.7 promo ay selebrasyon na rin ito ng pagsilang ng panganay nina Viy Cortez at Cong TV

Unexpected influx of orders

Ayon kay Kha Kha Villes – Sales Manager ng VIYLine Cosmetics, bagamat inasahan na nila ang dagsa ng orders noong 7.7 Sale ay hindi naman nila inasahan na tila dodoble ang dami ng bibili bilang pagdiriwang sa birthday ni Baby Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat. 

“Sobrang blessed nitong sale na ‘to dahil hindi namin inexpect yung quantity ng orders. Hindi namin expected na magdo-doble o magti-triple ng ganun kadami yung orders ngayong araw,” dagdag pa ni Kha na sya ring miyembro ng Team Payaman. 

Ibinahagi rin nito na nananatiling best-selling product ng VIYLine Cosmetics ang Team Payaman Water-Based Tints na bagsak-presyo rin noong nakaraang 7.7. Sale. 

“(Noong sale) ito po ay nasa 89-pesos nalang, pero dahil may mga (discount) voucher at free shipping ang mga customer ay nakuha pa nila ito ng mas mura.”

What’s next?

Gaya ng nakikita natin sa mga Instagram Story at Facebook posts ni Viviys, tuloy-tuloy ang pagbabalot ng orders ng VIYLine girls dahil sa nasabing sale.

Siniguro naman ni Kha na doble ang sipag ngayon ng VIYLine girls upang matiyak na mabilis nyong matatanggap ang inyong mga orders. Kaya abang-abang lang mga Viviys, sigurado namang “worth the wait” ang inyong pinakahihintay na VIYLine products. 

Paka-abangan ang iba pang pasabog ng VIYLine Cosmetics at VIYLine Skincare ngayong buwan dahil tiyak na mapapakapit na naman kayo sa sorpresang hatid ni Viy Cortez kahit sya ay kasalukuyang naka-maternity leave.

Likes:
0 0
Views:
196
Article Categories:
SALE & PROMOTIONS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *