Categories: SALE & PROMOTIONS

VIYLine TikTok Shop ni Viy Cortez, Pumalo ng 3,5k Orders!

Binaha ng libu-libong orders ang TikTok shop ni Viy Cortez matapos itong mag live selling ng VIYLine Cosmetics products kamakailan lang. 

Hindi pinalagpas ng mga Viviys at Team Payaman fans ang pagkakataon dahil bagsak presyo rin ang VIYLine products sa TikTok nitong nakaraang Huwebes, June 30, 2022.

Maaga palang ay inanunsyo na ng 25-anyos YouTube content creator ang kanyang live payday sale sa TikTok kaya naman inabangan ito ng lahat. 

Tara, samahan nyo kami sa VIYLine Media Group (VMG) at pagkwentuhan natin ang mga kaganapan sa record-breaking live selling session ng VIYLine. 

TikTok Shop Sale

Dakong alas-nwebe ng gabi nang mag simula ang live selling ni Viy Cortez sa kanyang official TikTok account with over 4.4 million followers.

Game na game na pinakita ng soon-to-be mommy ang iba’t-ibang shade ng lip tints at lipstick na kinagiliwan ng higit 9,500 viewers ng gabing iyon.

Dahil sa free shipping voucher at over Php 55 discount sa lahat ng produkto ay pumalo sa higit 3,500 ang orders mula sa nasabing live selling. Wow! 

Order Update

Kinabukasan work work work pa rin si buntis habang hinihintay ang paglabas ng kanilang unico hijo ni Cong TV.

Sa isang Instagram Story post, binahagi ni Viviys ang pag-aayos sa orders mula sa nasabing live selling. Pinost din nito ang sangkatutak na orders na babalutin ng VIYLine girls para agad ma-ship sa mga suking customers. 

Makikita rin sa IG stories ni Kha-Kha Villes – sales manager ng VIYLine, kung gaano kakapal ang mga waybills ng orders from Viy’s TikTok live. 

Samantala sa isang Facebook post, muling pinasalamantan ni Viy Cortez ang mga patuloy na tumatangkilik sa VIYLine products. 

“Ang ganda naman ng unang araw ng birth month namin ni Kidlat. Maraming salamat sa walang sawang pagbili araw araw mga Viviys!”

Kath Regio

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

4 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

4 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

6 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

6 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

6 days ago

This website uses cookies.