Team Payaman Wild Cats May Surprise Baby Shower kay Viy Cortez

Ilang araw bago tuluyang isilang ni Viy Cortez ang panganay nila ni Cong TV, isang bonggang baby shower party ang hatid ng kanyang Team Payaman Wild Cats family. 

Noong Sabado, July 2, nagtipon ang buong Team Payaman at pamilya ng YouTube power couple para surpresahing ang 25-anyos na soon-to-be mom. 

Base sa nasagap na balita ng VIYLine Media Group (VMG), matinding sabwatan at paglilihim ang ginawa ng grupo para mairaos ang surpresa para kay Viviys. 

Planning the Surprise

June pa lang ay puspusan na ang paghahanda ng Team Payaman girls para sa nasabing baby shower. Sa tulong ng Party Curators Philippines, nakapag ayos  ang grupo ng very aesthetic-themed baby shower setup sa Payamansion. Hatid naman ng Just Sweets by Karla cute na cute na Kidlat-themed cake na may mini-Zeus cake topper pa!

Pero dahil sa Payamansion ginawa ang nasabing surprise party, kinailangan pang mag sabwatan ng Wild Cats para hindi mabisto ni Viy Cortez. 

Nariyang kinuntsaba pa ng grupo ang OB Gynecologist ni Viy upang paalalahanan itong mag bed rest muna while waiting for Baby Kidlat’s arrival. Ayon pa sa doktor, dapat iwasan ni Viviys ang mag-akyat-baba ng hagdan kung ayaw nitong mapa-aga ang kanyang panganganak. Ganap na ganap si doktora!

Bilang masunuring pasyente, buong araw namang hindi bumaba ng bahay si Viy at nagkulong lang sa kwarto. 

Everything for Viviys

Nang dumating na ang oras ng surprise, hindi napigilan ni Viy na maging emosyonal ng makita lahat ng kanyang mahal sa buhay. 

Kilala natin si Viy Cortez na mahilig mag surpresa at magbigay ng regalo hindi lang kay Cong TV kundi pati narin sa kanyang pamilya at kaibigan. Kaya this time, tinodo ng Team Payaman ang surprise kay Viy at para narin sa maagang pag welcome kay Baby Kidlat. 

Lubos naman ang pasasalamat ni Viy sa lahat ng nag-abala para sa nasabing surprise baby shower.

“Thank you guys sa mga nag-organize, hindi ko inexpect may pa-ganito pala na kakain muna bago biyakin! Thank you sa mga surprise nyo, hindi na kailangan, pero thank you!” 

Kilig to the bones naman ang lahat sa touching message ni soon-to-be Daddy Cong para sa mommy ng kanyang panganay. 

“Thank you, Love, for enduring this past 9 months. Alam kong mahirap, ilang araw nalang lalabas na si Kidlat at hindi na ako makapaghintay. Na-eexcite akong makasama kang palakihin sya habang buhay,” ani Cong TV.

Dagdag pa nito: “Galingan mo sa panganganak. Ilabas mo na si Kidlat! Yun lang, I love you!”

Watch Viy Cortez’s baby shower vlog below: 

Likes:
0 0
Views:
1191
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *