Matapos ang trending Wish 107.5 Bus performance nina Cong TV at Zildjian James Parma, a.k.a “Kulob,” inilahad ng dalawa ang totoong inspirasyon sa kantang “Ligaw Tingin.”
Game na game na sinagot ng “mag-daddy” ang tanong na ito sa isang ekslusibong chikahan with VIYLine Media Group (VMG).
Curious din ba kayong malaman kung bakit at papaano nasulat ni Cong TV ang nakaka-LSS na kanta? Tara, kwentuhan tayo!
Paglabas ng nasabing Wish Bus performance video sa YouTube noong June 28, mabilis naging Top 1 Trending sa YouTube Philippines ang live performance nina Cong TV at Zildjian. As of writing, mayroon na itong higit 5.6 million views.
Nang tanungin ng VMG kung inasahan ba ng mag-daddy na mag-trending ang kanilang performance, confident itong sinagot ni Cong TV.
“Ako, oo. Alam ko magaling si Zild eh, kaya inexpect kong oo [magte-trending kami],” pahagay ng 30-anyos na YouTube star.
Sa kabila ng million views ay ang pag-dagsa rin ng mga positibong komento ng mga netizens sa talento ni Zildjian sa pagkanta.
Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, si Zildjian mismo ang naging inspirasyon ni Cong sa pagsulat ng kanyang original composition.
“17 [years old] palang kasi si Zild. Ang pangit naman gumawa agad ng pang-broken hearted na [kanta] ano. Nung ti-nry kong imaginin kung ano ang mga nae-experience ng mga 17 years old. Siya, as a 17-year old, feeling ko yung mga experience [niya], mas maidedeliver niya.” paliwanag ng soon-to-be daddy.
Dagdag ni Cong TV: “Nag-meet kami sa gitna, yung dalawang impluwensya namin ayun, dun nabuo yun [kanta].”
Isa si Zildjian James Parma sa milyun-milyong “Chicken Feet Gang” o supporter ni Cong TV at ng buong Team Payaman. Gaya ng mga nasabing fans, pinangarap lang din nyang makita noon ang legendary vlogger.
“‘Di ko rin po inexpect na ganun po yung mangyayari kasi nung una rin pong beses, nung pumunta po ako ng BigRoy’s, welcoming po si Daddy Cong. Naisipan ko lang pong puntahan si Daddy Cong, magpapansin with a placard.”
Labis din ang pasasalamat ni Kulob sa kanyang Daddy Cong: “Lagi po akong grateful sa ginawa nila [Cong TV and Viy Cortez] para sa akin.”
Aside from thanking Zild’s personal mentor, natuwa rin ang binata sa mga natanggap nyang positibong komento sa kanyang naging live performance sa Wish Bus.
“Sobrang sarap sa feeling na makita po yung mga comments tapos may mga nag-eedit pa po [ng Tik Tok].”
At syempre, proud na proud si Daddy Cong sa naabot ng kanyang on-screen son na si Kulob.
“Oo naman syempre! ‘Di rin naman biro mag-perform sa Wish eh! Kakabahan ka talaga. Siya, bago siya magperform doon, ilang araw kaming nag-papractice tapos kinakabahan agad siya.”
“Bukod sa boses niya, nahandle nya yung pressure which is very important thing lalo’t nagpe-perform ka. Dun ako bilib sa kanya!”
Dahil sa successful performance ng dalawa, ang tanong ngayon ng lahat, ano nga ba ang susunod na dapat abangan sa Cong TV – Zildjian tandem?
“Definitely, may mga gagawin pa kami para sa future. Kumbaga, umpisa pa lang ‘to. Abangan niyo na kung ano ang mga susunod na mangyayari guys!” pangunguna ng Team Payaman Bossing.
“Possible, possible yan!” dagdag naman ni Cong TV sa tanong kung may posibilidad na magkaroon ng sariling album ang kanyang on-screen unico hijo na si Kulob.
As for the music video, “Hmmm… tignan po natin depende po sa ano. Pero sa ngayon, nagfofocus kami sa kung paano i-improve yung song at maglagay ng kung anong pwedeng ilagay. Something na abangan niyo guys.”
Bitin sa chikahan? Watch VIYLine Media Group’s exclusive interview kina Cong TV at Zildjian sa aming official YouTube channel. Subscibe na!
Ever since its release, VIYLine Cosmetics Lip Slay has received the love it deserves from…
Sa likod ng tagumpay na nakamit ng social media star na si Malupiton ay ang…
Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…
Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…
In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…
Having a healthy lifestyle doesn’t just start with adults alone; even kids can now embark…
This website uses cookies.