Kamakailan lang ay muling binuksan sa publiko ang DON C by VIYLine franchised by YouTube content creator Viy Cortez.
Mula sa dating pwesto sa Pacita, San Pedro City, Laguna, ang DON C by VIYLine ay matatagpuan na ngayon sa Blk 20 Lot 6 San Agustin Rd. San Agustin Village Brgy. San Francisco Biñan City, Laguna. Ito ay sa tapat mismo ng bagong VIYLine office kung saan mayroon ding showroom na maari nyong bilhan ng iba’t-ibang produkto ng VIYLine.
Dahil sa bagong pwesto ng DON C by VIYLine, mas dumarami na ang nakakatikim ng juciest lechon manok at liempo in town. Pero ano ba ang honest feedback ng mga customer sa nasabing food stand?
Tara, samahan nyo kami sa VIYLine Media Group (VMG) at alamin natin kung pasado ba sa panlasa ang pinagmamalaking lechon manok at liempo ni Viy Cortez.
Binibida ng DON C ang kanilang juicy lechon manok na swak na swak sa budget. For only Php 280 meron ka ng isang buong lechon manok na pwedeng pagsaluhan ng buong pamilya o tropa. Available din ang half-chicken for only Php 140.
Pero totoo ba ang chismis na ito ang juiciest lechon manok in town? Well, alamin natin mula mismo sa mga customer na nakatikim na ng tinaguriang “chicken ng bayan.”
“Kung sa lahat lang naman na manok na natikman ko, dito sa Don C ako walang masabi. Perfect sa lasa at napaka-juicy pa nya. Kaya guys dito na kayo sa masarap at malinamnam pa at napaka-juicy pa nya,” ayon sa isang satisfied customer.
Syempre magpapahuli ba ang putok-batok yummylicious Crispy Liempo by DON C? Bukod sa pinagmamalaking juicy lechon manok ay binabalik-balikan rin ng mga customer ang liempo ng DON C.
Sa halagang Php 220, perfect ito pang ulam, pulutuan, o di kaya ay star sa inyong handaan! Ang tanong, sulit ba ang presyo nito?
Ayon sa isang customer, the best ang liempo ng DON C at mahahalintulad mo sa pagkain ng paborito ng lahat na lechon baboy! Wow!
“Natikman namin both liempo and chicken nung opening. Grabe! Babalik-balikan ang lasa! Yung liempo, the best! Para kang kumakain ng lechon!”
So ano pang hinihintay nyo? Sugod na sa bagong pwesto ng DON C by VIYLine sa Binan City. Laguna! Bukas ito mula alas-10 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi. Maari din kayong magpa-deliver via Food Panda or Tok Tok Delivery.
Kakaibang Halloween special ang ibinahagi ng Team Payaman squad sa bagong vlog ni Clouie Dims. …
This article is sponsored by Salveo Barley Grass. There are a few more weeks to…
Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ipinanganak ng Team Payaman power couple na sina…
Hindi na maitatanggi na punong-puno ng saya at pagmamahal ang Pamilya Cortez-Velasquez. Naririto ang ilan…
Matapos ang home-schooling kasama ang ibang Team Payaman kids, sasabak naman ngayon si Kidlat sa…
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Feast of Our Lady of the Rosary tuwing Oktubre, isinasagawa…
This website uses cookies.