Cong TV and Viy Cortez Celebrates 7th Year Anniversary as a ‘Single’ Couple

Happy happy anniversary sa ating favorite YouTube power couple! Today marks the 7th anniversary of Cong TV and Viy Cortez at syempre ang tanong ng lahat, kailan ang kasal?

But before we even dive into engagement, proposal, and wedding pep talks, samahan nyo muna kami sa VIYLine Media Group (VMG) at balikan natin ang inspiring love story ng “huling manok” ng lahat! 

CongTViy 

Hindi lingid sa kaalaman ng fans nina Cong, Viy at ng buong Team Payaman na nagkakilala ang dalawa sa Facebook. 

Kwento ni Viy sa VMG, April 2015 nang maglakas-loob siyang mag-chat kay Cong TV as an ultimate fangirl. 

“Chinat ko sya sa Facebook kasi adik na adik ako sa mga Vines nya,” ani Viy, patungkol sa dating video sharing application na Vine.

“Eh nagkataon hindi ko inexpect, nagreply!” kinikilig pang dagdag ng soon-to-be Mommy ni Baby Kildat.

Sa kanyang Toni Talks interview with Multi-Media Star Toni Gonzaga, sinabi ni Viy na malungkot sya ng mga panahong iyo at may kaibigan syang nagsend ng videos ni Cong TV na syang nagpawi ng kanyang kalungkutan.

Inamin naman ni Cong TV na agad siyang nag-reply dahil napukaw sya sa ganda ni Viy sa profile picture nito. 

Pero ano ba ang naramdaman nila sa kanilang unang pagkikita?

“Noong (unang) kita ko kay Cong, totoo ang slow motion,” kilig na paliwanag ni Viy. 

Pero kung nagkaroon ng slow motion moment si Viy Cortez, tila kabaliktaran naman ang naramdaman ni Cong TV. 

“Sa’kin naman parang fast forward.”

“Kasi ang bilis ng pangyayari, yung isang araw na yon, naubos yung limang daan ko!” biro ni Cong, na sya namang sinabayan ng iconic na tawa ni Viviys. 

Bumawi naman ang soon-to-be-dad at sinabing sobrang ganda at dalagang dalaga si Viy na kaka-18 palang ng mga panahong iyon.

Sa hirap at ginhawa

Hindi pa man opisyal na mag-asawa ay tila nasubok na ng panahon ang relasyon ng dalawa. Nakita natin kung paano nila sinuportahan ang isa’t-isa sa hirap man o ginhawa. Sabay silang nangarap sa kung ano man ang mayroon sila ngayon, at patuloy na nagdadasal at nagsisilbing blessing sa buhay ng ibang tao.  

Nasubaybayan natin kung paano sila nag-commute papunta sa kanilang 1st anniversary date, pag angkas ni Viviys kay Cong gamit ang motor na si “Warsak,” hanggang sa makabili ang dalawa ng kani-kanila nilang sasakyan, at nakarating pa ng Amanpulo para sa kanilang 6th anniversary.

Ever supportive din si Viy sa lahat ng trip ni Cong gaya ng pagbabanda, pag stream ng online games at pagsabak sa iba’t-ibang negosyo. 

Sinuklian naman ito ni Cong sa pamamagitan ng pagsuporta nya sa pangarap ni Viy na maging negosyante. Imagine, ang P10,000 na puhunang pinautang nya noon kay Viy at isa ng ganap na VIYLine Group of Companies

Next chapter

Ilang linggo nalang ay tuluyan ng mababago ang buhay nina Cong at Viy sa pagdating ni Baby Zeus Velasquez, a.k.a Kidlat. Ayon sa aming source, pinili ng ating favorite YouTube power couple na ipagdiwang ang kanilang 7th and last anniversary as a “single” couple sa Tagaytay City. 

Single couple dahil ito na ang huli nilang anibersaryo bilang mag nobyo dahil sa susunod na taon ay ganap na silang mga magulang ni Baby Kidlat.

Sa isang Facebook post, malambing namang binati ni soon-to-be Mrs. Velasquez ang kabiyak at nagpasalamat sa pitong taon nilang pagsasama.

Tiyak na espesyal ang araw na ito para sa dalawa kaya’t paka-abangan ang kanilang anniversary vlogs at pasabog na regalo sa isa’t-isa!

Again, mula sa inyong VIYLine Media Group family, Happy Anniversary Madam Viy and Boss Cong! Patuloy kayong magmahalan at magsilbing inspirasyon sa lahat! 


Likes:
0 0
Views:
943
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *