Viy Cortez Nag-Uumapaw ang Kilig sa Regalo ni Ninang Toni G kay Baby Kidlat

Hindi napigilan ni Viy Cortez ang kilig at tuwa matapos opisyal na matanggap ang mga regalo ni Toni Gonzaga para sa kanyang panganay na si Baby Kidlat. 

Matatandaang sa kanyang Toni Talks interview, naglakas loob ang 25-anyos na YouTube content creator na imbitahan si Toni na maging ninang ng kanyang unico hijo. Buong puso naman itong tinanggap ng nag-iisang Multi-Media Star at naging opisyal na ngang “mag kumare” ang dalawa. 

Sa latest vlog ni soon-to-be Mommy Viy, pinasilip nito ang pinadalang early gift ni Ninang Toni sa kanyang inaanak na si Kidlat.

Samahan ang VIYLine Media Group (VMG) at sabay-sabay nating alamin kung ano nga ba ang mga bigating regalo ni Ms. Toni G sa upcoming baby boy nina Viy Cortez at Cong TV. 

Thoughtful Ninang Toni

Even before unboxing the gifts, ibinahagi ni VIYLine CEO ang nakakakilig na message sakanya ni Toni G. Tinanong nito si Viy kung saan pwedeng ipadala ng kanyang munting regalo para kay Baby Kidlat.

“Grabe talaga ang Kidlat ko. Thank you maam Toni, ay marsss pala!” ani Viy sa isang Facebook post kalakip ang screenshot ng Instagram direct message ni Toni G. 

Nagulat din ang mga netizens na naka-antabay sa Instagram stories ng vlogger dahil dali-dali rin itong nag-update na dumating na ang regalo ni Ninang Toni sa kanyang inaanak.

“Mga Viviys! Dumating na yung regalo ni Ms. Toni Gonzaga! Sobrang nakakakilig guys!” ito ang naging initial reaction ni Mommy Viy upon receiving the gifts.

Binahagi rin ni Viy ang sweet message ni Toni sa kanyang inaanak: “Dearest Kidlat, excited na ang lahat na ma-meet ka! May you grow up blessed, favored, and loved always! Hope to see you soon! –Ninang Toni Gonzaga-Soriano.”

Ayon kay Viy, ipapa-frame nya  ang gift card na may sulat kamay na mensahe ni Ninang Toni. 

Biro pa nito: “Itatago ko ‘tong may ‘Toni Gonzaga-Soriano,’ ipapa-frame ko ‘to! Alam nyo guys ngayon lang ako magpapa-frame ng picture, mas nauna ko pang ipa-frame ‘to kesa sa mukha ni Cong!”

Unboxing of gifts

Sa kanyang latest vlog, binuksan ni Viviys ang not just one, but three boxes of gifts ni Ninang Toni kay Baby Kidlat. 

Ang unang box ay puno ng baby items gaya ng diaper changing mat with matching bag with customized embroidery name ni Kidlat.

Ang second box naman ay mayroong personalized blanket to keep Kidlat warm at night. Of course, hindi rin mawawala ang mga baby bibs para sa feeding sessions ni baby. 

Samantala, ang final box ay naglalaman ng isang dim lamp shade para kumpleto na ang kanyang peaceful sleep with Mommy Viy and Daddy Cong. 

Bagamat hindi makapaniwala si Viy na talaga magiging kumare na nya ang multi-awarded actress at host, nag-uumapaw parin ang kanyang kilig at pasasalamat dito. 

“Ma’am Toni Gonzaga, thank you thank you so much! Sobrang na-appreciate ko ‘tong binigay mo samin. Promise sobrang ganda, customized yung mga binigay mo. Thank you!” dagdag pa nito.

Panooring ang nakakatuwang gift unboxing below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

23 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

1 day ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

1 day ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

1 day ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.