Mahigit isang linggo na ang nakakaraan ng pumalo sa 10 million ang YouTube subscribers ng sikat na vlogger na si Cong TV pero buhos parin ang suporta at pagbati sakanya sa social media.
Sa isang vlog entry dinaan ng 30-anyos na vlogger ang pasasalamat sa kanyang mga supporters. And true to his comedic-yet-inspirational vlogging, muling naghatid si Cong TV ng tuwa at inspirasyon sa kanyang 10 million subscribers celebratory vlog.
Sa nasabing vlog, nagbalik tanaw si Cong sa kanyang vlogging journey through the years na siyang nagsilbing gabay niya patungo sa tagumpay na tinatamasa ngayon.
Dreams do come true, ika nga nila. Pero ano nga ba ang iba pang pinagdaanan at naging paglalakbay ng isang Cong TV bago niya nakamit ang pangarap na minsan niyang binuo?
From dishwasher to a billboard model
Sa vlog na pinamagatang “Tenem,” muling binalikan ni Cong TV ang kanyang pagpupursige sa kanyang passion for vlogging and creating wholesome videos.
“Guys ako ‘yan! Kami yan ng kapatid ko! Billboard! Kami yon! Mountain Dew!” ito ang sigaw ni Cong TV matapos makita ang kanyang first-ever billboard appearance kasama ang kapatid na si Junnie Boy.
Labis ang tuwa ng magkapatid dahil matagal na nilang pangarap ang magkaroon ng billboard kung saan bida ang kanilang mga mukha. Matatandaang pabirong nagparinig si Cong kung bakit hindi pa rin sila nagkakaroon ng sariling billboard ng kanyang kapatid na si Junnie.
“Ano kaya ang susunod na pwede nating ma-achieve? As a grupo naman,” tanong ni Cong TV sa kanyang fellow TP Wild Dogs matapos ma-check ang ilan sa kanilang mga bucket list.
Sabi nga nila, libre lamang ang mangarap kaya naman sasagarin na ng TP Wild Dogs ang pagkakataon na mangarap at gawin ang lahat upang matupad ito. Next goal? Billboard sa EDSA Guadalupe!
Payamansion Version 3.0
Speaking of reaching of dreams, nabanggit din ng Team Payaman headmaster ang kanilang pangarap na magkaroon ng sari-sariling bahay.
At dahil nalalapit na ang pagsilang ng kanyang panganay, dalawa sa kapatid niya ay kasal na, he thinks it’s finally a time to buy their own separate Payamansions.
Ipinasilip ni Cong TV sa nasabing vlog ang nabiling lupain ng grupo kung saan itatayo ang kani-kanilang dream house. Payamansion Multiverse na ba ito?
“Gastusin na naman! Bayarin na naman,” biro ng magkapatid na Junnie Boy at Cong TV.
Excited na rin ibahagai ng YouTube superstar ang kakalabasan ng kanilang magiging bagong TP Headquarters as well as its full production. Kaya naman abangan sa mga susunod na vlog!
BigRoy’s Boodle Fight by Team Payaman
Kamakailan lang ay opisyal ng binuksan sa publiko ang bagong food business venture ni Cong TV, ang BigRoy’s Boodle Fight by Team Payaman.
Sa darating na Linggo, June 5 naman ang magiging opisyal na grand opening ng nasabing branch na matatagpuan sa Pasay City.
Ang pag franchise ng isang food business ay panibagong pangarap na natupad para kay Cong TV, kaya naman tila sya raw ay nananaginip sa unti-unting pagtupad ng mga kapangarap.
The Flashback: Epic Journey
Kasabay ng pagpalo sa sampung milyon ng YouTube subscribers ni Cong, nagbalik tanaw ito sa kanyang naging paglalakbay bago maabot ang rurok ng tagumpay.
Before anything else, nagpasalamat si Cong TV sa naging susi ng kanyang tagumpay.
“Kung nakikita nyo guys si Boss Banoobs [Julius Mariano], siya yung reason guys kung bakit marami sa pangarap ni Cong TV ang natupad.”
Si Julius Mariano umano ang naging ladder of success nina Cong TV at Junnie Boy dahil nakitaan sila ng potential nito right from the start of their vlogging career.
At siyempre hindi mawawala sa listahan ang Tier One Entertainment co-owner na si Tryke Gutierrez na naging susi para mapunta sa “Chongdo” (condo) si Cong at mabuo ang Team Payaman.
Hindi matatapos ang isang Cong TV vlog kung walang words of wisdom na bukod sa kapupulutan ng aral ay magsisilbing inspirasyon sa milyun-milyon nyang taga-hanga.
“Masayang pamilya, kaibigan at pangarap. Ilan lang ‘yan sa mga panaginip kong natupad na. Sa paglalakbay ko na ‘to, naipakita ko na sa inyo na kung kaya ng mukhang ‘to gawin lahat ng ‘yan, mas kaya nyo!”
Finally, the legendary vlogger ended his vlog with his iconic extro spiels na talaga namang namiss ng lahat: “At hanggang dito nalang mga paa. Maraming salamat sa panood, hanggang sa muli! Dream big, aim for the sky, make it happen! Chicken feet out! Pawer! Peace! Kweeek!”
Watch the full vlog below: