Viy Cortez Touching Message for Cong TV’s 10 Million Subscribers Milestone

Kamakailan lang ay sabay-sabay nating ipinagdiwang ang pagpalo sa 10 million ng YouTube subscribers ng nag-iisang Cong TV.

Isang napakahalaga at memorable milestone talaga ito para sa legandary content creator. Ayon sa longtime girlfriend nitong si Viy Cortez, isa ito sa mga pangarap ni Cong TV noong sya ang nagsisimula palang sa vlogging. 

Bilang parte ng selebrasyon, sinurpresa ng buong Team Payaman ang ang kanilang “Mossing.” At syempre, ang surprise na ito ay pinangunahan ni 8-months pregnant at soon-to-be Mommy Viy.

Pero ano nga ba ang touching message ni Viy para kay Cong? Alamin ito kasama ang VIYLine Media Group (VMG).

The Surprise

In a recent vlog, binahagi ni Viy Cortez ang kanyang inihandang surprise celebration para sa 10 million YouTube subscribers milestone ni Cong TV.

Kumpleto with confetti, balloons, cake, at syempre mga katakam-takam na handa ang bumungad kay Cong at sa buong Team Payamansion. 

“Gusto ko lang isurprise si Cong. Nagpaluto ako kay Chef ng handa. ‘Di ba dati lagi kita hinahandaan? Eh ngayon ‘di na ako makaluto [dahil buntis]. Ano ang masasabi mo love, nag-10 million [subscribers] ka na dalawa na kami ni Kidlat?” 

Sagot naman ni Cong TV: “Sobrang swerte, ‘di ko maipaliwanag yung sarili ko eh! Masaya! ‘Di ba?”

Bagamat magaling manghuli ng pranks at surprise ang tinaguriang “Greatest Prankster,” lubos parin ang pasasalamat nito sa effort ng Team Payaman na mabigyan siya ng simpleng celebration.

CONGgratulations, Mossing!

In the same vlog, bumuhos din ang congratulatory messages ng iba pang Team Payaman members for Cong TV.

Pinangunahan ito ng Team Payaman Wild Dogs na sinabing nagsilbing inspirasyon sa kanila ang kanilang “Mossing.”

Labis-labis rin ang pasasalamat ng kanyang mga kasama dahil sa tulong nito hindi lamang sa kanilang career, kung hindi pati na rin sa kanilang mga personal na buhay.

“Hindi kami nandito kung hindi dahil sayo, kuya Con. Salamat sa lahat ng binigay mong tulong sa akin at sa pamilya ko,” ani DaTwo, pinsan ni Cong TV na una nyang naging secretary, pero ngayon ay isa naring content creator. 

“Yung knowledge na mayroon ka, na ipinasa mo sa amin. Thank you rin sa pagiging kuya mo sa aming lahat,” dagdag pa nito. 

At syempre, hindi rin nagpahuli sina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez sa pagbati sa  Tito Cocon ni Mavi. 

“Yun oh, congratulations, kuya Cong TV sa pag-abot ng 10 Million Subscribers! Grabe naman!” pagbati ni Junnie Boy. 

“Siya kasi talaga yung gumawa nung tahanan dito eh! Hinila niya lang kami pataas. Binaba niya lang yung lubid kumbaga,” dagdag pa ng proud brother ni Cong. 

“Thank you Tito Cocon! Peram pera, 10 million,” cute at pabirong bati naman ni Mavi, a.k.a Itlog.

Viy Cortez’s Touching Message for Cong TV

Last but definitely not the least, nagbigay rin ng nakakaantig na mensahe ang proud girlfriend ni Cong TV.

“Mahal, proud na proud ako sa’yo. Nakita ko kung paano mo pinagpaguran ang lahat,” ani Viy.

“Sobrang saya ko. Sobrang galak ng puso ko na simula nung una hanggang ngayon na nag 10 million [subscribers] ka na, kasama mo pa rin ako, at plus one na. Andiyan na si Kidlat,” dagdag pa nito.

Viy Cortez ended her touching message with the quote: “Hinding hindi kita iiwan.”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 minutes ago

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

3 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

4 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

4 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

5 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

5 days ago

This website uses cookies.