Finding Cong Tv: Bakit Nga Ba Hindi Nakasama Sa Vietnam Ang Ating Friendly Kapitbahay?

Iyak-tawa.

Yan ang naramdaman ng milyun-milyong YouTube subscribers ni Cong TV matapos mapanood ang kanyang latest vlog na talaga namang nagpa “aaww” sa lahat ng viewers. 

Nasaan si Cong?

Yan ang tanong ng netizens matapos maglipana ang litrato nina Junnie Boy, Boss Keng at Burong sa social media, kung saan makikitang sila ay nasa Hanoi, Vietnam, para suportahan ang Blacklist International sa 31st Southeast Asian Games. 

Una ng nagtrending at kuha ng tatlo kasama si Cong TV sa airport patungong Vietnam. Ngunit pagdating sa nasabing bansa, tila missing in action ang sikat na vlogger. 

Sari-sari ang ispekulasyon ng mga netizens sa misteryong ito. Duda nila, hindi pinayagan si Cong TV ng kanyang longtime girlfriend na si Viy Cortez na ngayon ay 8-months pregnant with Kidlat. Habang ang iba naman ay nagsabing hindi sumama si Cong upang maiwasan ng ma “downgrade” ang role nito sa buhay ng kanyang mag-ina. 

Paasaforte

Matapos ang higit 24-oras, binasag ni Cong TV ang kanyang pananahimik sa pamamagitan ng isang vlog na pinamagatang “Paasaforte.”

Sa vlog na mayroon na ngayon 2.5 million views, ikinwento ng 30-anyos na content creator ang kanyang naudlot na Vietnam-venture. 

Una palang pala ay muntik na talagang hindi makasama si Cong dahil sa nawawala nitong passport. Ginawa nya ang lahat upang mahanap ang pasaporte at makasama sa tropa sa Vietnam. 

Kalaunan ay nagawan nya ito ng paraan, ngunit bakas ang lungkot sa mukha ni Viviys dahil mahigit isang linggo rin silang magkakawalay. 

Excited na tumuloy si Cong TV sa kanyang byahe, ngunit nakaramdam ng kaba at nag backout at the last minute. Dali-dali itong umuwi sa kanyang mag-ina sa kabila ng naghihintay sanang adventure sa Vietnam. 

Family First

Muling pinatunayan ni Cong na isa syang role model pagdating sa pagiging “boyfriend material” o “husband goals.”

Sa huli, sinabi ni Cong na na-realize nyang mas matimbang ang makasama ang kanyang mag-ina kaysa sa anumang bagay sa mundo. 

“Akalain mo yun, posible pa lang kalimutan na lahat ng mga masasarap na bagay. Gustong gusto ko sana sumama at maglakbay pero tsaka na lang siguro, pag kasama ko na kayong dalawa.”

Wala namang paglagyan ang kilig at saya ni Viviys dahil sa mga pagbabago ni Cong simula ng sya ay mabuntis.

Sana All!

Mapapa-sana all ka nalang talaga sa ginawa ni Cong TV na nagpapakita kung gaano nya kamahal si Viy Cortez at ang kanilang paparating na unico hijo. 

Hindi naman napigilan ng netizens na humanga sa soon-to-be father, habang ang iba naman ay nag wish na sana magkaroon sila ng karelasyong katulad nito. 

Dahil dito, mabilis naging top trending sa YouTube ang nasabing vlog. Trending din sa Twitter ang ating friendly kapitbahay, na ngayon ay mukang mapo-promote na ulit bilang tatay sa buhay ni Kidlat. 

Ayon sa isang Twitter user: “Cong TV again proves that women should not settle for less. We deserve more than the bare minimum. Someone who is willing to set aside his leisure time just to be with you and make you smile. Everyone of us deserves that kind of love”

Cong TV is raising the bar too high,” dagdag pa ng isang netizen. 

Watch Cong TV’s full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
11595
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *