In case you don’t know, nasa Hanoi, Vietnam ang Team Payaman Boys na sina Junnie Boy, Boss Keng, at Burong. Lumipad ang tropa noong May 18 para suportahan ang Team Pilipinas Mobile Legends: Bang Bang deligates na Blacklist International sa kanilang laban sa 31st South Eastasian Games 2021.
Tier One Entertainment co-founder Tryke Gutierrez made sure na kumpleto ang star-studded support system ng Blacklist Team sa kanilang international competition.
Nagsilbi nga bang lucky charm ng Blacklist ang Team Payaman boys o isa sa kanila ang may balat sa pwet?
Be one of the exclusive insider sa big event na ito! Samahan ang VIYLine Media Group (VMG) at alamin ang kaganapan sa Vietnam-venture ng mga Wild Dogs.
Team Payaman Boys as Official Cheerleaders
Base sa kanilang mga social media updates, excited na ibinahagi nina Junnie Boy, Boss Keng at Burong ang kanilang official trip to Vietnam.
Sa isang Instagram story, Aaron Macacua a.k.a Burong shared a photo of the gang while on the way to their Asian destination.
Burong also shared his photo with the caption: “Let’s go Philippines! 🇵🇭👆🏻”
All smiles naman ang mga Wild Dogs dahil excited na rin silang ipakita ang kanilang suporta sa kanilang mga kababayan.
Meanwhile, nagbahagi rin si Boss Keng, exclusively for VMG, ng kanilang photos during the said event.
At syempre, sa isang Facebook post, pinatunayan ng Blacklist International na the “hype was real” dahil Team Payaman Boys ang official cheerleader ng kanilang grupo sa nakaraang e-sports semi finals!
Source: Blacklist International Official FB Page
Blacklist’s Road to Gold Medal!
Before anything else, ano nga ba ang Blacklist International? Ang grupong ito lang naman ang isa sa mga greatest competitors ng bansa when it comes to Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) E-sports!
Hindi matatawaran ang kanilang skills sa paglalaro kung kaya’t sila ang pambato ng bansa sa SEA Games ngayong taon.
Headed by Kristoffer “Bon Chan” Ed L. Ricaplaza and Aniel “Master the Basics” Jiandani, ang Blacklist International ay mayroong anim na members sa kanilang SIBOL LINE UP namely:
- Johnmar “OhmyV33nus” Villaluna – Team Captain
- Lee Howard “Owl” Gonzales
- Danerie James “Wise” Del Rosario
- Kyle “Dominic” Soto
- Salic “Hadji” Alauya Imam
- Russel Aaron “Eyon” Usi
- Dexter “Dex Star” Alaba
As of writing, Blacklist International won against Singapore’s competing team during the semi-finals, serving the score of 2-1 in favor of the Philippines!
At syempre, isang karangalan na maging isa sa mga unang team na makapasok sa grand finals a.k.a one step closer to gold medal!
Mukhang lucky charm talaga ang TP Boys sa ating players. Pero, pwera usog muna! Baka mabati! Chariz!
Kaya naman from all of us from VMG, we’re wishing you the best of luck and congratulations in advance, Blacklist International! We’re proud of you!
But wait!!! Ang tanong ng lahat: Nasaan nga ba si Cong TV?
Sa ilang larawan na kumalat sa social media, nakita natin ang Team Payaman bossing kasama sina Junnie, Keng, at Burong sa airport. Pero tila missing in action it sa Vietnam?
Sabay sabay natin alamin ang misteryong ito at paka abangan sa YouTube channel ni Lincoln “Legendary Kapitbahay” Velasquez.