Viy Cortez x Toni Talks, Top Trending Online!

Excited na ibinahagi ni Viy Cortez ang kaabang-abang na dream interview nya with the one and only Ultimate Multimedia Star, Toni Gonzaga-Soriano.

Bukod sa soon-to-be-mom ay hindi rin maitatanggi ang excitement ng kanyang mga supporters sa trending na Toni Talks interview.

Inulan din ng samu’t-saring reactions ang Viy Cortez x Toni G. collaboration online, which made it a part of YouTube Philippines’ top trending list.

Tara, samahan nyo kami sa VIYLINE Media Group (VMG) at alamin ang kaganapan sa nasabing collab between two of biggest YouTube stars of this generation.

Not your typical Toni Talks episode

Fun and light. Ilan lamang ito sa mga salitang pwedeng maglarawan sa naging interview ni Toni G. sa 25-anyos na  VIYLine CEO.

Sa nasabing Toni Talks episode, naging usapan ng YouTube vloggers ang pinagmulan ng isang Viy Cortez.

From her relationship with Cong, the birth of VIYLine Group of Companies, at syempre pati na ang nalalapit na pagdating ng kanilang first baby, lahat ay kanyang isiniwalat sa exclusive tell-all interview with Toni G.

Source: From Toni Gonzaga Studio Facebook page

Before magsimula ang interview, Kidlat’s mom raised her pun: “Konting konti nalang makikita na namin si Kidlat sobrang nakakatuwa. Yun ma’am, ninang ka ma’am!” na syang ikinatuwa naman ni Toni.

Bukod kay Kidlat, napagusapan rin ng dalawa kung paano nga ba naging vlogger-turned-entrepreneur si Viy.

“Yung business mo nabalitaan ko, siya [Cong] yung nagbigay nung puhunan para magsimula? PHP10,000?” tanong ni Toni  sa tinitingalang CEO.

Sagot ni Viy: “Oo ma’am kasi una palang talaga gusto ko magkaroon na ako ng business. Na-train na ako ng mga magulang ko noong maliit pa lang ako. So sabi ko kay Cong, baka pwedeng makahiram ako ng PHP10,000 pang-puhunan ko lang.”

Talaga namang nakakahanga ang sipag, determinasyon at dedikasyon ng ating “mom-preneur” sa pagtayo ng kanyang business.

At syempre, hindi mawawala ang katanungan kung kailan nga ba ang kasal ng 7-year couple na CongTViy.

“Kaya parin ako araw-araw na kasama ni Cong, at tuwing gumigising ako ay mas minamahal ko pa rin siya, kasi siguro yung trust ko sakanya, imposibleng wala syang plano sa akin at sa bubuuin naming pamilya,” giit ng renowned YouTube star sa tanong kung kailan ba ang kasalan.

Cong TV’s Reaction: Cong Talks

At siyempre, kailangan marinig ng mga supporters ni Viviys, Team Payaman, and viewers in general, kung ano nga ba ang reaksyon ni Cong TV sa nasabing interview ng kanyang longtime girlfriend sa trending segment ng ToniTalks.

Sa isang recent vlog, ibinihagi ni Viy ang naging reaksyon ni soon-to-be Daddy Cong TV.

Sinumulan ni Mommy Viy ang reaction video with a witty line sa Toni Talks episode na pinamagatang: “How Viy Cortez Knew Cong TV Was The One.”

“Miss Toni i-clear ko lang po, hindi ko pa sure ah!” biro ni Viy.

“Tigas talaga!” yan naman ang initial reaction ni Cong nang marinig na inimbitahan ni Viy si Toni G. para maging ninang ni Baby Kidlat.

All smiles and laughters naman ang naging reaksyon ni Cong TV sa mga naging sagot ni Viy sa naturang interview.

Watch the full vlog below:  

Yenny Certeza

Recent Posts

Buy 1 Item, Get Another For Only PHP 1 With Viyline’s 12.12 Piso Deals!

What better way to celebrate the Christmas season than by embracing the spirit of giving.…

16 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Aaron Oribe and Roy Aguilo’s Inspiring Stories After ‘Istasyon’ Vlog

Isang makabuluhang episode ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez sa kanyang…

16 hours ago

YNO Turns Heads With Their Live Wish Bus 107.5 Performance of ‘Because’

Nag-iiwan ng kilig ang bandang YNO nina Yow Andrada matapos nilang ihataw ang kanilang kantang…

2 days ago

Dudut’s Pasta Adventure: Filipino Flavors Meet Italian Classics

Isa na namang masayang cooking serye ang hatid ng Team Payaman cook na si Jaime…

2 days ago

Zeinab Harake-Parks and Belle Mariano Take on UP Street Food Eating Challenge

Isang masaya at nakakabusog na vlog collaboration ang hatid ng social media star na si…

3 days ago

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

7 days ago

This website uses cookies.