Mga bisita ni Yiv Cortez, napa-WOW sa engrandeng debut party!

Talaga namang kaka-YIV-a at kamangha-mangha! 

Ito ang mga salitang naglalarawan sa katatapos lang na 18th birthday party ng isa sa mga pinakabatang miyembro ng Team Payaman na si Yiv Cortez. Ang garden-themed party ay ginanap noong ika-28 ng Abril sa The Park – Silang, Cavite

Samahan ang VIYLine Media Group (VMG) at 3DS Builders at ating pagkwentuhan ang mga kaganapan sa debut party ni Yiv, courtesy of her ate Viy Cortez.

Artista yarn? Yiv Cortez Sakalam!

Bilang tinaguariang Team Payaman next-gen rising sweetheart, bigating paghahanda ang ginawa ni VIYLine CEO Viy Cortez para sa once-in-a-lifetime celebration ng kanyang bunsong kapatid. 

Sa tulong ng ekspertong pag-oorganisa ng Events By Miss P, binigyang kulay ang selebrasyon kung saan nakibahagi ang Mango Madness upang maghatid ng refreshments sa mga bisita ng dalaga.

Present din sa okasyon ang Samantha’s Flower Shop na nagbigay ng mga cute at eleganteng crafted bouquets bilang souvenir. Sagot naman ng Cocktails To Go Mobile Bar ang mga cocktail refreshments na talaga namang pinilahan ng mga bisita.

Source: @cocktailstogomobilebar Instagram

Samantala, nagmistulan namang red carpet event ang pag welcome sa mga bisita ni Yiv dahil sa collaboration ng VIYLine Media Group at 3DS Builders. Nagkaroon ng sariling booth kung saan maaring mag-selfie ang mga bisita at makachikahan ng VMG habang sila ang nagsasalo bago makapasok sa tinaguriang “glass house” ng nasabing events place. 

Source: @kevinhufana Instagram

Samantala, game na game namang nagbigay ng kanyang birthday message si Tita Krissy Achino para sa ating debutante. Biro niya, “I wish you all the best… and the worst para balanse! Hahaha!”

“Yiv, you deserve all the happiness you are getting and nawa ay masaya ka sa celebration mo ngayon! More wonderful things to come!” dagdag pa nito. 

The fairytale turned into reality

Pagpasok ng mga bisita sa loob ng event hall ay tila dinala sila sa kakaibang paraiso, thanks to the kabog styling courtesy of Events Central By Anna Winstel. To set the mood, present ang Blackbox Audio Systems para magbigay ng background party music.

Source: Nice Print Photography

Agaw pansin rin ang mga birthday cakes ni Yiv mula sa VIYLine Skincare at Honey Glaze Cakes. Samantala, binusog naman ng Verleo Catering Services ang mga bisita sa kanilang samu’t-saring menu para sa garden-themed party ng ating debutante. 

Source: Nice Print Photography
Source: Nice Print Photography

Nang magsimula ang program at pumasok na si Yiv Cortez, tila huminto ang mundo ng masilayan ng mga bisita ang ating debutante. Hindi nila napigilang mapahiyaw sa ganda at mala-dyosang transformation ng ating bida.  

Talaga nga namang di maikakaila ang Midas Touch na taglay ni Paul Unating sa ganda at mala diwatang hair and makeup ni Yiv. Kinumpleto naman ni Miss Andrea Tolentino ng Andrea Marie Atelier ang overall all Dyosa look ni Yiv sa dinesenyo nitong 2-way custom ballgown. 

Source: Nice Print Photography
Source: Nice Print Photography
Source: Nice Print Photography

At bilang pagpapasalamat ay bigyan natin muli ng shoutout ang Nice Print Photography sa pagkuha ng mga masasayang moments na paniguradong magsisilbing photographic memory sa 18th birthday celebration ni Yiv. 

Mula sayong VIYLine Media Group family, congratulations on your 18th birthday and we wish you all the best in life, Yiv! Cheers!

For more exclusive updates, please don’t forget to subscribe to our website, mediagroup.viyline.net, and follow us on our official social media accounts.

viyline.net

Recent Posts

Junnie Boy Shares Hilarious ‘Hiding Spots’ for Home Security in Latest Vlog

Naghatid ng aliw sa mga manonood ang Team Payaman dad na si Junnie Boy matapos…

1 day ago

Boss Keng Introduces Team Boss Madam’s New Talented Editor

Isang talentadong video editor mula sa Team Boss Madam ang ipinakilala ni Boss Keng sa…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Memorable ‘Disney On Ice’ Experience with Family

Kamakailan lang, ibinahagi ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang isang family bonding…

2 days ago

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

4 days ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

4 days ago

This website uses cookies.