Yiv Cortez Kabado sa Kanyang KPop Star Transformation?

“The feels!”

Bongga at kakaiba talaga ang naging pre-debut photoshoot ng youngest sister ni Viy Cortez na si Yiv Cortez. Talagang pinaghandaan ng VIYLine CEO ang once-in-a-lifetime experience na ito para kay Yiv na legally 18 na sa darating na April 28. 

Ang pak na pak na photoshoot ay ginanap sa multi-media production venue na Concept Space Manila na matatagpuan sa Quezon City.  

Tara! Samahan nyo ang VIYLine Media Group at silipin natin ang mga kaganapan sa set ng ating debutante!

Fancy like Ohh-ahh!

Courtesy of Nice Print Photography

Hindi makakaila na talagang sobrang “fancy” ng unang set design layout para sa pre-debut shoot ni Yiv. Ang nakakarelax na floral backdrop ay courtesy of Rocketset Design Studio

“Sa first lay-out ko naramdaman yung kaba kasi baka maging awkward yung posing ko,” ani ni Yiv ng tanungin sa kanyang nararamdaman kaugnay sa photoshoot.

Bagaman kabado ang ating debutante ay lumabas naman ang natural nitong talento ng magsimula na ang pictorial na pinangunahan ng Nice Print Photography.

Nerd KPop Vibe

Courtesy of Nice Print Photography

Para naman sa kanyang second layout, nilabas na ni Yiv ang kanyang inner KPop Star at nag-ala scientist ito. Ang nasabing theme ay hango sa music video ng kantang “Scientist” ng favorite all-girl KPop group ni Yiv na Twice. 

Tila napiligiran ito ng mga experiment tools kung saan bibong-bibo namang nagpose ang birthday girl.

Di rin nakalimutan ng supportive sisters ni Yiv na sina Viy at Ivy Cortez na isama sa nasabing photoshoot ang mga produkto ng Tea Talk Franchised by Viy Cortez

Bilang pandagdag naman sa special effects ay gumamit ang team ng smoke machine, dahilan para tumunog ang fire alarm sa location. 

Ngunit sa kabila nito ay tila walang makakapigil sa ating debutante at masiglang ipinagpatuloy ang kanyang dream pictorial.

More and More!

Courtesy of Nice Print Photography

“Sa lahat ng lay-out, etong pangatlo ang pinaka-gusto ko!” excited na sinabi ni Yiv sa VMG. 

Sino bang hindi maaakit at mapapahanga sa ganda ng 3rd theme ng photoshoot ni Yiv? 

Nag transform naman ang ating debutante bilang isang dyosa at talagang swak na swak sa concept ng music video ng kantang “More and More” ng Twice. Bongga!

Di naman napigilang humanga ang set stylist na si Rocky ng Rocket Design Studio sa pagiging professional ni Yiv. 

“This is my second time working with Yiv at napakagaan niyang ka-trabaho.”

“Kuhang-kuha niya yung posing at maganda yung connection niya with the set, the attires, and the make-up!”

#YivTurns18

Hindi na nga maaawat ang darating na kaarawan ni Yiv Cortez na gaganapin sa April 28. Paniguradong magbubunyi ang kaniyang pamilya at mga kaibigan, kasama na rin ang mga miyembro ng Team Payaman. 

Isang malaking pasasalamat ang batid ng ating celebrant sa kanyang ate Viy at Ivy na naging punong-abala sa preparasyon ng kanyang 18th birthday party..

Gusto nyo ba ng VIP access sa nalalapit na debut party ni Yiv? Ano pang hinihintay nyo, like, follow, and subscribe na sa mga official social media accounts ng VIYLine Media Group!

viyline.net

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

3 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

4 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

6 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

6 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

6 days ago

This website uses cookies.