Just your Neighbor: Cong TV Nakabuo ng Bagong Kanta Inspired by Baby Kidlat

Hindi napigilan ni Cong TV na ilabas ang kanyang creative side ngayong nalalapit na ang pagkikita nila ni Baby Kidlat.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na bukod sa pagiging vlogger, si Cong TV ay isa ring musikero na lead vocalist at gitarista ng bandang “Coln.”

Sa pinakabagong vlog ng longtime girlfriend nitong si Viy Cortez, muling ipinamalas ni Cong ang kanyang talento sa pagsulat ng kanta. Nakabuo ito ng witty pero talaga namang nakaka-touch na kanta para kay Baby Kidlat.

Just your Neighbor

Habang tila nagpapahinga ang YouTube power couple, makikitang hinaharana ni Cong TV ang kanyang mag ina.

Dito na nagkaroon ng impromptu song ang soon-to-be dad kay Baby Kidlat at Mommy Viy.

Nagsimula ang kanta sa pagpapahayag ni Cong kung paano aniya sya nabigyan ng pag-asa ni Baby Kidlat.

Ngunit sa kalagitnaan ng awitin, hindi na napigilan ni Cong na ilabas ang kanyang tunay na saloobin dahil tila si Viy ang kamukha ng kanilang panganay base sa mga ultrasound images nito.

Hindi naman magkandamaliw si Viy Cortez na ngayon ay nasa ika-3rd trimester na ng kanyang pagbubuntis.

Aniya, sumisipa rin si Baby Kidlat habang naririnig ang mala anghel na singing voice ng ama.

You gave me hope
A reason to smile 
I’m smiling now
All because of you
You are so cute
When I saw your face
You look like your mom

Why did this happen?
Why did this happen?
Why did this happen? Oh no!

I was hoping you look like me
But you look like your mommy
And I was hoping…
Hoping that we could be
We could look alike
We’re the same pair of genes
Wear the same pair of shoes
But you look like your mom

Remember me the same
Oh it’s hard to be
Oh it’s hard to be
Oh it’s hard to be
But I have no choice
But I still love you
Even though you look like your mom

God let this happen
God wants this
When I’m playing at the computer
I can really remember your mom’s face
You’re the one who’s gonna call me
When I’m playing Valorant at night
I can see your mom’s face
I can see it clearly
I have no choice but to go with you

Because I love you…
You and your mom
You and your mom
You and your mom

Why did you do this me
You should look like me
But you look like your mommy

I’m just your neighbor
I’m just your neighbor
Your friendly neighborhood!

Bagamat talaga namang nakakatawa ang impromptu song ng soon-to-be-dad, hindi makakaila na sobrang nakaka-touch rin ang pagpapahayag nya ng pagmamahal sa kanyang mag-ina.

Blessed Baby Kidlat

Ibinahagi rin ng dalawa ang mga regalong natanggap nila para kay Baby Kidlat na mula sa iba’t-ibang brands.

Nariyan ang baby bassinet kung saan pinag-praktisan pa nga ni Cong ang kanilang furr baby na si Cheesecake kung paano papaliguan si Kidlat sa nasabing baby tub.

Excited ring binuksan ni Cong ang ipinadalang baby car seat at stroller ng isang kumpanya.

Samantala, panibagong set of clothes and shoes ang pinag shopping ni Mommy Viy para sa kanilang unico hijo.

Halatang excited na talaga ang dalawa sa pagdating ni Baby Kidlat. Excited narin kaming makita ang bagong chapter na ito sa inyong buhay!

For more latest chika about Viy Cortez, Cong TV, VIYLine, and Team Payaman, follow VIYLine Media Group’s official Facebook, YouTube, Twitter, Instagram, at TikTok accounts.

Likes:
0 0
Views:
1877
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *