Viy Cortez at Cong TV Inulan ng Blessings Dahil kay Baby Kidlat

Hindi pa man lumalabas sa mundong ito ay kaliwa’t-kanang blessings na ang tinatamasa nina Viy Cortez at Cong TV dahil kay Baby Kidlat.

Noon pa man ay bumabaha na ang biyaya para sa YouTube power couple, ngunit simula ng mabuntis si Viy kay Baby Kidlat, tila mas nag sunod-sunod ang blessings para sa soon-to-be mom and dad.

Blessings for VIYLine

Kamakailan lang ay binahagi ng 25-anyos na vlogger ang mga panibagong blessing na natanggap ng kaniyang kumpanyang VIYLine Group of Companies.

Isa na rito ay ang bagong van na syang magagamit sa pang araw-araw na business transactions ng VIYLine Cosmetics, VIYLine Skincare, at VIYLine Media Group.

Sa isang Facebook post, pinasalamatan din ni Viy Cortez ang kaniyang “mga viviys” sa walang sawang suporta sa kanila ni Cong TV.

Samantala, tila hindi naman nauubusan ng benta ang VIYLine Cosmetics, VIYLine Skincare at JRK Dream -Crystal Glow by VIYLine. 

Sa mga social media post ni Viy, ibinahagi nito ang pagbaha ng orders mula sa official Shopee and Lazada stores. Dagsa rin ang orders ng mga authorized resellers sa iba’t-ibang sulok ng bansa. 

Kabilang sa iba pang blessing na tinatamasa ng VIYLine CEO ngayon ay ang mga panibagong produkto kanyang inilabas sa publilko gaya ng Angel by VIYLine Cosmetics at VIYLine Skincare TEENS Luminous Acne Control.

Sasalubungin naman ng VIYLine Group of Companies ang nalalapit nitong 2nd anniversary with a bang! Ito ay dahil nalalapit narin ang paglipat ng buong VIYLine team sa mas pinalaki at mas pinabonggang opisina. Abangan!

Cong TV Nambawan

Kaliwa’t-kanang blessings rin ang tinatamasa ngayon ng mabait na kapitbahay, este, Daddy ni Baby Kidlat. 

Isa na dyan ay ang kaniyang bagong business venture na BigRoy’s Boodle Fight. 

Matatandaang ibinahagi ni Cong sa kaniyang vlog na sya ang nag franchise ng nasabing food business. Kasalukuyang under construction na ang branch ni Cong TV at paka abangan kung saan at kailan nyo ito mabibisita.

Binahagi rin ni Cong sa kanyang mga vlog ang pagbili nila ng lupa sa Silang, Cavite, kung saan plano nilang ipatayo ang kanilang dream house. Dito narin kaya natin makikita ang bagong Payamansyon? Abangan!

But wait, there’s more! Napag alaman rin ng aming team na may panibago na namang big brand endorsement/commercial ang ating paboritong kapitbahay! Tiyak na trending na naman ‘to! Talaga namang, Paawer!

Lucky Baby Kidlat

Ilan lang ito sa sangkatutak na biyayang hatid ni Baby Kidlat hindi lang sa kanyang Mommy Viy and Daddy Cong, ganun rin sa mga taong naghihintay sa kanyang pagdating.

Ika nga ni Cong, mukang babaguhin ni Kidlat ang buhay nila. Pero hindi pa man ito pinapanganak ay unti-unti na nyang pinaparamdam ang dala nyang swerte.

Subalit sa kabila ng mga tagumpay na ito, wala pa ring hihigit sa blessing sa milagrong buhay ni Baby Kidlat. 


Bitin sa chikahan? Follow VIYLine Media Group’s official Facebook, Twitter, Instagram, YouTube, and TikTok accounts to get the latest update!

Kath Regio

Recent Posts

Vien Iligan-Velasquez Gives a Sneak Peek of Their Family’s New Abode

Isa sa mga labis na ipinagpapasalamat ng pamilya Iligan-Velasquez ay ang paglipat nila sa kanilang…

12 hours ago

Netizens Melt Over Cong TV’s Nostalgic Christmas Content for Kidlat and Tokyo

Isang nakakaantig na Christmas content ang hatid ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez,…

4 days ago

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

1 week ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

1 week ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

1 week ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

1 week ago

This website uses cookies.