EXCLUSIVE: Bigating Suppliers sa Kasalang Junnie Boy at Vien, Kilalanin!

Paawer couple with big time guests at shalang suppliers, iba din! Sa inyo na ang korona Mr. and Mrs. Marlon Velasquez Jr.!

Mga kapitbahay, join VIYLine Media Group (VMG) at isa-isahin natin ang talaga namang top-notch teams sa likod ng trending na kasalang Junnie Boy at Vien noong nakaraang March 28, 2022.

Engrandeng kasal sa mala-”Bridgerton” na location!

There is no better way para simulan ang ating chikahan sa pag-iispluk ng mala-fantaserye’ng venue kung saan idinaos ang #lifetimeadVIENturewithJUNNIE.

Unahin natin ang pagababalik-tanaw  sa napaka-peaceful na simbahan ng Divine Mercy Parish sa Silang, Cavite na siya namang pinalamutian ng mga puting bulaklak ng Awesome Events & Gianna Candice. 

Sa simbahang ito naging emosyonal hindi lang ang ating power couple kundi pati narin ang mga bisita ng magsimula na ang seremonyas. 

From Vien Iligan Facebook page

Isa-isang nag-martsa ang wedding entourage suot ang damit na gawa ng Paul & Len’s Bridal House para sa mga groomsmen at mga eleganteng dress na likha naman ng Mark Bride’s Manila para sa mga bridesmaid. 

Mga kapitbahay, hindi rin tayo binigo ni Rau Uson Ablaza sa napaka cute na terno suit ng mag-amang Junnie Boy at Mavi na animo’y kambal sa kanilang na formal attire. Tinernohan nila ito ng matchy shoes gawa ng Bucroe Shoes.

Nang tumugtog na ang musikang mala anghel na bumaba sa langit ay hindi na napigilan ni Junnie ang kanyang ngiti at luha ng masilayan papuntang altar ang kanyang misis.

Hindi naman makakaila ang magic touch na ginawa ng Mark Bride’s Manila sa very elegant and sophisticated bridal gown ni Vien na tinernuhan pa ng bouquet courtesy of Joyful Flowers. Mas naging memorable naman ang  pag martsa ng bride sa simbahan suot ang kaniyang customized bridal shoes mula sa Shoepatos.

From Vien Iligan Facebook page
From Vien Iligan Facebook page

Nag-ala Greek God and Goddess naman ang mag-asawang Junnie at Vien sa finishing touches hatid ng batikang makeup artist na si Paul Unating. Hindi naman magpapahuli ang ating mga abay na nanatiling fresh all throughout the event care of  Azhyl Gobe at Krystle Bonus.

From Vien Iligan Facebook page

Instagrammable reception for the win

Matapos ang emosyonal na church wedding ceremony ay diretso naman ang mga bisita sa Alta Veranda De Tibig kung saan idanaos ang hinandang programa ng punong abala na Awesome Events Ph.

From Vien Iligan Facebook page

Tila dinala naman ni Mr. & Mrs. Marlon Velasquez Jr. ang kanilang mga bisita sa isang food park kung saan samu’t saring pika-pika ang nakalatag sa mga stall na siyang handog ng Angelo’s Tagaytay Grazing Table at KoffeeKalye na naghatid ng mga refreshment drink.

Bitbit naman ng Andrei’s Party Food Cart ang cocktail foods, habang cocktail drinks at shots naman ang hatid ng The Extreme Mixers – Mobile Bar.

From Koffeekalye2020 Facebook page
From Andrei’s Party Food Cart

Pinangunahan ng batikang events host na si Host Jam ang reception program,  kung saan hindi magkandamayaw ang mga bisita sa saya na dulot exciting programs na nakalathala sa invitation hatid ng Invitations by Ten

Nagbigay kulay rin sa okasyon sa pamamagitan ng pagharana at pagbibigay-aliw sa bagong kasal at sa kanilang mga bisita ang bandang Nobita ng Sony Music Philippines

Pinaganda naman ng Sound Level ang atmosphere ng reception sa kanilang mga lights, sounds, at LED walls. Ang Imusic Band naman ang nakatoka sa pagbibigay ng makulay na himig sa reception habang ninanamnam ng mga bisita ang mga pagkaing handog ng Juan Carlo Catering Services Philippines.

Dagdag pa rito ang photo booth ng Sure Shot Photography na siyang naging souvenir ng mga bisita. Ang souvenirs naman ng mag-asawa para sa kanilang entourage ay mga power bank at cable chargers mula Mcdodo, bridal robe ng Lissemnl, tote bag ng Blank Canvas, at pouches ng Nina Leathers Ph.

Bilang pagtatapos ng programa bago magpasalamat si Mr. & Mrs. Velasquez ay ipinakita ng Bella Morcen Team ang kanilang same day edit ng kasalang Vien at Junnie. Nagpakita rin ng kanilang video presentation ang Focal Shot Ph sa mga behind the scenes ng okasyon.

Tila isang fairy tale dream come true ang kasalang Junnie Boy at Vien. Nawa’y mas lalong lumalim ang pagmamahalan ng magsing-irog at lumago pa ang mga biyayang kanilang natatamasa ngayon.

Congratulations Mr. & Mrs. Velasquez! Mabuhay ang bagong kasal!

For more exclusive updates, you may visit mediagroup.viyline.net o di kaya naman ay i-follow ang aming mga social media accounts sa Facebook, YouTube, Twitter, Instagram, at TikTok.

Likes:
0 0
Views:
1600
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *