Cong TV Humiling ng Limang Anak kay Viy Cortez: ‘Dapat sunod-sunod!’

This is it, pancit! 

Nalalapit na ang pinakahihintay na araw kung kailan malalaman ng YouTube power couple na sina Cong TV at Viy Cortez ang kasarian ng kanilang anak.

Ang panganay nina Cong at Viy, na ngayon kung tawagin ay “Baby Kidlat,” ay inaasahang malalaman sa nalalapit ng “gender reveal party” ng magkasintahan. Tiyak na mapapahiyaw ang lahat ng “Paawer!” sa oras na tumugma ang kanilang hula sa magiging kasarian ng bata.

Bukod sa magkasintahan at buong Team Payaman, paniguradong may kanya-kanyang hula na ang bawat isa kung si Baby Kidlat ba ay magiging Little Cong or Little Viviys. Marami naring kumakalat na kuro-kuro sa social media base sa kilos at ayos ngayon ng soon-to-be mom.  Talaga nga namang tayong mga Pinoy ay nasasabik sa pagsilang at pagdating ng mga bata sa ating buhay.

Paglilihi challenge

Noong nakaraang araw, ang magkasintahan ay nagkaroon ng isang “Q&A mukbang vlog,” kung saan hinamon rin ni Viy Cortez ang kanyang future baby daddy na kainin ang mga pagkain na pinaglilihian niya noong araw na iyon. 

Kabilang sa mga katakam takam na pagkain ay California Maki, Onigiri, Hawaiian Pizza, Pancit Bihon, Kaldereta, at Chopseuy. Kasabay ng pag lantak sa masasarap na putahe ay sinagot nila Cong at Viy ang ilang katanungan mula sa kanilang mga tagasubaybay. 

Mga kapatid ni Baby Kidlat

Inilahad ni Viy Cortez sa nasabing vlog na siya ay nagdadalang-tao na ng humigit 15 linggo na. Inamin din ng vlogger-turned-businesswoman ang pagnanais niyang magkaroon ng isa hanggang dalawang anak. 

Mapilyo naman itong sinegundahan ni Cong TV at sinabing lima ang nais niyang maging supling. Paawer!

Isiniwalat rin ng batikang vlogger na tila mas naging “clingy” si Viy sakaniya, habang si Viy naman ay napansin ang pagiging extra sweet at maintindihin sa kanya ni Cong.

Sa mga susunod na panahon ay inaasahang masisilayan natin ang haba ng pasensya ni Cong TV sa pagdating ni Baby Kidlat. Ngunit kampante aniya ito na handa na siya sa isang taong matindihang puyatan sa pag-aalaga ng kanilang anak. 

Girl or boy?

Sa kanilang usapan ay nalahad na magkaiba ang kutob ng magkasintahan sa kasarian ni Baby Kidlat. Anila, kung ito ay maging lalaki ay papangalanan nila itong Abraham Lincoln, samantalang pinaubaya naman ni Cong kay Viy ang pag-iisip sa pangalan kung maging babae si Baby Kidlat. 

Tiyak na kung karamihan ang tatanungin, kahit ano pa ang maging kasarian ni Baby Kidlat ay tiyak na mapupuno siya ng pagmamahal mula sa buong Team Payaman. 

Ating abangan ang nalalapit na vlog nina Cong TV at Viy Cortez ng magkaalaman kung sino ang makaka-jackpot sa hula ng tamang “gender” ng pinaka aabangang Baby Kidlat 2.0.

viyline.net

Recent Posts

Vien Iligan-Velasquez Gives a Sneak Peek of Their Family’s New Abode

Isa sa mga labis na ipinagpapasalamat ng pamilya Iligan-Velasquez ay ang paglipat nila sa kanilang…

3 hours ago

Netizens Melt Over Cong TV’s Nostalgic Christmas Content for Kidlat and Tokyo

Isang nakakaantig na Christmas content ang hatid ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez,…

3 days ago

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

1 week ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

1 week ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

1 week ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

1 week ago

This website uses cookies.