Sumabak sa isang emergency first aid seminar ang Team Payaman sa pangunguna nina Cong TV at Viy Cortez.
Sa kanyang bagong vlog, natutunan ng grupo ng content creators ang ilang basic life skills na maari nilang gamitin in case of emergency. Anu-ano naman kaya ang emergency first aid na natutunan ng gurpo?
Better safe than sorry
Ayon kay Viy Cortez, naisipan nilang sumailalim sa emergency first aid seminar para masiguro ang kaligtasan ng bawat isa sa Congpound sa oras na kailanganin nilang isalba ang buhay ng bawat isa, lalo na ang mga chikiting.
“Syempre may mga anak na kami dito, kailangan namin ng emergency first aid,” ani Viviys.
Minabuti rin ng 27-anyos na vlogger na ibahagi ang nasabing training sa kanyang mga manonood upang magbigay ng kaunting kaalaman.
Sa tulong ng Brigada Onse Sun Valley Fire and Rescue Volunteers, pinagaralan ng mga residente sa Congpound ang iba’t-ibang emergency first aid technique gaya ng pagbibigay ng CPR (cardiopulmonary resuscitation) o continued chest compression, first aid para sa mga nabulunan, at pagsasagawa ng back blows at CPR para sa mga sanggol.
Basic CPR
Ayon sa eksperto na nag training sa Team Payaman, ang numero unong layunin ng CPR ay buhayin ang utak ng pasyenteng nawalan ng malay.
Pagdating naman sa mga nabulunan, kailangan munang silipin kung may bara ang lalamunan. Sa oras na makumpirma ang bara, kailangan magsagawa ng Heimlich Maneuver.
Kapag naman nawalan ng malay, kailangan ihiga ang pasyente at bigyan ng continued chest compression.
“May dalawang klase ng CPR: yung isa yung CPR na magbibigay tayo ng 30 chest compression. After 30 chest compression magbibigay tayo ng 2 rescue breaths.”
Kailangan anilang ulitin ang nasabing rescue routine ng limang beses hanggat hindi nare-revive o hindi nagre-respond ang pasyente.
Tinuruan din sila kung papaano magbigay ng back blows sa mga sanggol at bata na nabulunan. Nag-ensayo rin sila kung paano magbigay ng CPR sa mga bata.
“Paano ma-check ang consciousness ng baby? I-tickle po natin yung paa, ngayon kapag hindi siya nag-react ibig sabihin wala siyang malay. Kailangan ang CPR kapag walang hininga at walang pulso.”
Samantala, hinikayat naman ni Viy Cortez ang kanyang mga manonood na matutunan ang mga basic life skills gaya nito na tiyak na magagamit nila sa tuwing may emergency.
Watch the full vlog below: