Sa pagpapatuloy ng daily vlog serye ng Team Payaman Fitness Challenge champion na si Steve Wijayawickrama, minabuti nitong ipakita sa manonood ang isang unreleased vlog ni Cong TV.
Sa nasabing vlog, ipinakita ang kauna-unahang pagkakataon na sinubukan nina Cong TV, Steve, Dudut Lang, Burong, at Kevin Hermosada ang ice bath.
Ice Bath ala Team Payaman
Ang ice bath o paglublob sa batya na punong puno ng yelo ay kadalasang ginagawa matapos mag ehersisyo. Nakakatulong umano itong magbawas ng pamamaga ng muscles matapos mag-workout.
Ipinasilip ni Steve Wijayawickrama ang ilang tagpo sa kauna-unahang pagsubok ng Team Payaman boys sa ice bath na naganap sa ika-pitong araw ng kanilang 30-Day Fitness Challenge.
Unang sumabak si Burong na tumagal lang ng dalawang segundo, sunod si Cong TV na nagbabad sa batyang puno ng yelo sa loob ng 30-segundo.
“Ito na ang polar bear ng Pinas,” ani Dudut Lang bago magbabad sa ice bath ng 45-segundo.
Samantala, 36 seconds naman ang tinagal ni Kevin Hermosada, at huling sumabak sa ice bath si Steve.
“Ito papalag ko ‘to, ilalaban ko ‘to! Muntik manalo sa Viy Cortez challenge ‘to, yung ‘Last to Leave the Pool,’” ani Dudut sa kaibigang si Steve.
Ngunit sa kasamaang palad, anim na segundo lang ang tinagal ng Sri Lankan Team Payaman vlogger sa ice bath.
Sinubukan muli ng grupo na lumublob sa ice bath sa ikalawa at ikatlong pagkakataon ngunit tanging sina Dudut at Kevin lang ang nakapag beat ng kanilang mga naunang record.
Low key alliance?
Samantala, habang pinapanood ang nasabing vlog, tila may napagtanto si Steve sa inasal ni Cong TV.
“Kasi sa kanilang lahat nakipag alyansa ako, sayo hindi, kasi first day palang nakita kita as threat,” ani Steve.
“Pero yung actions na nakikita sa vlog na yon, ikaw pa yung nagsabi na ‘ipasa natin sa kanya ang lakas.’ Sign ba yun na nakipag alyansa ka sakin, lowkey?” dagdag pa nito.
Sinadya nga ba ni Cong ito para si Steve ang manalo sa nasabing hamon?
Watch the full vlog below: