Kamakailan lang ay nasaksihan ng Team Payaman fans ang unti-unting pagkahilig ng TP Wild Dogs sa pagmomotorsiklo.
Maaalalang isa-isang bumili ng big bike ang bawat miyembro at kasunod nito ay ang mga bagong contents sa kanilang social media accounts kung saan makikitang nagsimula na ang pag-usbong ng moto vlogging sa Team Payaman.
Outfit Check
Bago lumarga ang grupo patungo sa Amadeo, Cavite, siniguro muna ni Boss Keng na handa at kumpleto na ang riding gear ng bawat isa.
Sa kanyang bagong vlog, itinampok ni Boss Keng ang mga pangmalakasang motocycle gears ng bawat miyembro ng Team Payaman Moto Club. Kabilang na rito ang kanilang mga riding boots, riding pants, knee pads, dry fit top, jacket, helmet, bag, at intercom.
Price Reveal
Magkano nga kaya ang aabutin ng safety gears ng mga miyembro ng Team Payaman Moto Club?
Unang ibinida ni Adam Navea ang kanyang attire na nagkakahalaga ng Php 33,800.
Hindi rin naman nagpahuli ang matagal nang rider na si Michael Magnata, a.k.a Mentos sa pagtampok ng kanyang full riding gear na nagkakahalaga mula Php 15,000 hanggang Php 20,000.
“Pero hindi ito normal na sinusuot natin, talagang safety. Kaya kahit masakit sa bulsa, maglalaan talaga,” paliwanag ni Mentos.
Ibinida rin ng tinaguriang “That’s My Pogi” ng Team Payaman na si Brylle Galamay, a.k.a Bods, ang kanyang plakadong OOTD na nagkakahalaga ng Php 91,000.
Samantala, bilang bagong miyembro ng Team Payaman Moto Club matapos regaluhan ng bagong motor ni Cong TV, hindi rin nagpahuli si Carlos Magnata, a.k.a Bok sa kanyang “rider outfit check” na aabot ng Php 74,000.
Hindi lang sa kusina kundi maging sa kalsada ay hindi nagpatinag si Kenneth Silva, a.k.a Chef Enn. Ibinida rin nito ang kanyang porma na nagkakahalaga ng Php 80,000 to Php 90,000.
Samantala, si Coln band frontman at Cong Clothing Co-Owner Awi Columna naman ay naglaan ng higit Php 50,000 upang masiguro ang kaligtasan habang nagmomotorsiko.
Sunod namang ipinakita ni Aaron Macacua, a.k.a Burong ang kanyang motor outfit na may halagang Php 70,000.
Kakaiba rin ang style na ipinakita ng “Motocards” ng TP na si Carding Magsino na bago pa lang din sa larangan ng pagmomotor. Ang kanyang safety gears ay aabot sa halagang Php 25,250.
At ang pinakahuling itinampok sa “rider outfit check” ni Boss Keng ay ang pang malakasang moto outfit ng nag-iisang Cong TV, na binansagan nilang “Motobags.” Ang kanyang kumpletong safety gears ay aabot sa tumataginting na Php 152,000.
Matapos ang outfit check ay lumarga na ang buong Team Payaman Moto Club sa Amadeo sa isang masayang ride.
Pinabasbasan din nila ang kani-kanilan mga motorskilo upang magkaroon ng gabay sa mga susunod pa nilang biyahe.
Watch full vlog below: