Steve Wijayawickrama Reveals Secrets to Editing a Cong TV Vlog

Paano nga ba nabubuo ang isang Cong TV vlog na parating tumatabo ng milyon-milyong views sa YouTube at talaga namang tumatatak sa isip ng mga manonood?

Yan ang tanong na sinagot ngayon ng dating video editor ni Cong  TV na si Steve Wijayawickrama na ngayon ay isa na ring ganap na content creator ng Team Payaman. 

Kasama si Ephraim Abarca ang kasalukuyang editor ni Cong TV, hinimay ng dalawa kung papaano ba nabubuo ang isang Cong TV vlog. 

Paasaforte

Sa kanyang bagong YouTube video, eksklusibong nakapanayam ni Steve si Eph upang pag usapan ang creative process nito sa pag-e-edit ng vlogs ni Cong TV.

Pinagusapan ng dalawa kung paano nabuo ang isa sa mga top-trending videos ni Cong TV na pinamagatang “Paasaforte,” na ngayon ay mayroon ng 8.8 million views. 

Sa nasabing vlog, ipinakita ang naging karanasan ng 31-anyos na vlogger sa pagkuha ng passport at pagpapaalam sa kanyang nobya sa kagustuhang sumama kina Boss Keng, Junnie Boy, at Burong patungong Vietnam.

Ngunit sa huli ay mas pinili nitong manatili sa bansa kasama ang longtime girlfriend na si Viy Cortez na noong mga panahong iyon ay ipinagbubuntis ang kanilang panganay na si Baby Kidlat. 

Anatomy of a Cong TV vlog

Ayon kay Eph, hanggat maari ay wala siyang sinasayang na oras at frame sa isang Cong TV vlog upang maging smooth ang kwento.

Paliwanag pa ni Eph, isa sa mga importanteng elemento ng vlog ay ang pagkakaroon ng “conflict” sa isang istorya. 

“Ito yung maganda, yung mga conflict sa story, paano magiging interesting yung story kung walang conflict?” ani Eph. 

“Ito lang din ang masa-suggest ko: Kung yung isang problema ay hindi nagkaroon ng conclusion sa buong video, kailangan mong tanggalin yun,” dagdag pa nito. 

Kwento pa ni Eph, lahat ng nangyayari sa nasabing vlog ay makatotohanan at walang scripted kung kaya totoo lahat ang emosyon na nakikita sa bawat karakter.

Pagdating naman sa pagpili ng background music, isiniwalat ni Eph na si Cong TV ang madalas may napupusuang kanta at kailangan nyang gawin ang lahat para maipasok ito sa video. 

“Itong choice ng music na yan, si Bossing ang pumili nyan, talagang malapit sa puso niya yang music na yan,” ani Eph. 

“Pag yan yung gusto nyang gamitin, kahit ma-copyright, gagawan ko ng paraan para umilag sa YouTube copyright strike,” dagdagan pa nito.

Nagsimula aniya ang “Storytelling Vlog Era” ni Cong TV sa nasabing vlog, kung saan napatunayan nilang hindi hadlang kung gaano kahaba ang isang video kapag may magandang istorya o kwento na nakapaloob dito.

“Doon nagsimula yung storytelling namin ni Bossing na niche kasi sobrang satisfying niya panoorin. Although 21 minutes siya, pero it doesn’t feel (like it).”

“Yan yung napansin namin, kapag may istorya, time won’t matter. Hindi mo mararamdaman yung oras.”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
1140
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *