BALISURE na ba? Dudut, naningil na kay Burong sa ipinangakong Bali trip para sa DuTel!

Mukhang oras na para tuparin ni Burong ang matagal na niyang pangakong Bali trip para kina Dudut at Kristel! Sa latest vlog niyang “BALISURE,” siningil na siya ni Dudut sa bakasyong ilang beses na raw nitong nabanggit. Ngayon, mukhang hindi na basta biro ang Bali trip na matagal nang inaabangan ng dalawa! 

DuTel, naging patok na content ni Burong.

Nagsimula ang vlog sa biruan nina Dudut at Burong tungkol sa Bali trip na muli nilang napag-usapan. Dahil madalas isama ni Burong sa kaniyang content ang tambalang Dudut at Kristel, o mas kilala bilang DuTel, hindi maikakailang naging patok sa viewers ang kanilang nakakakilig na moments.

Pabiro pang sinabi ni Dudut na tila napakinabangan na nang husto ni Burong ang kanilang tambalan sa dami ng content na nagawa nito. Kumbaga, ayon kay Dudut, “Nahinog na yung mga ginagawa mong panggagatas.”

Bali trip, baka maging group getaway pa!

Samantala, habang nagkakasiyahan ang tropa sa pickleball tournament, napunta rin sa usapan ang posibilidad na makasama sa Bali sina Junnie, Vien, Pat, at Keng. Pumayag pa sina Vien at Keng na gumawa ng vlog content para kay Burong kapalit ng libreng bakasyon para sa kanilang apat. 

Mas lalo pang naging nakakatawa ang usapan nang biruin ni Dudut si Burong na kapag natuloy ang trip, tila magiging mala-pabrika ang kita nito mula sa kanilang content. Hirit pa ni Vien na posibleng umabot sa isang milyong views ang vlog, habang si Pat naman ay gustong makita muna ang revenue ng vlog ni Burong para iyon ang kanilang magamit na panggastos sa biyahe. 

Pero tila napapaisip na si Burong sa laki ng gastusin. Sa huli, pabirong sinabi niya, “Wala na talaga akong pera, guys. Gusto n’yo i-rebook ko na lang flight ko, tapos kayo na lang mag-Bali?”

Netizens’ comment

Todo-suporta rin ang netizens sa Bali trip ng apat kaya hindi rin nagpahuli ang mga ito sa biruan.

@humphreydelapena: Na skip ko ads manlilibre pala si boss burs panoodin ko ulit tapos di ko na skip yung ads!

@dmj1998: tinapos ko mga ads doy pang bali nyo talaga yan masaya kasi ako para kay dudut may love na ulit

@gellyyyyyyy: Hindi ako nag skip ads boss burs para may ambag ako

@fransheengalvvez400: No skipping ads kasi kumbaga ikaw ang president ng loveteam Burs!

Watch the full video below:

Likes:
0 0
Views:
21
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *