Viy Cortez-Velasquez Shares More Family Moments in EP 5 of realiTViy Vlog Series

Sa gitna ng kanyang abalang schedule, hindi nakakalimutan ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez na magbahagi ng mga ganap sa kanyang buhay sa mga tagasubaybay.

Sa ikalimang episode ng kanyang realiTViy, muling ibinahagi ni Viy ang ilang tagpo sa kanilang buhay-pamilya, kabilang ang kanyang mga gawain bilang ina at entrepreneur, pati na rin ang mga sandaling kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

DORA

Sa simula ng vlog, makikitang abala ang pamilya Velasquez sa paghahanda ng pagkain para sa kaarawan ni Cong TV at ilan pa nilang kasamahan sa bahay. Para kay Viy, mahalagang ipagdiwang ang mga espesyal na okasyon, lalo na ang kaarawan ng kanyang partner.

Naghatid din ng aliw ang Halloween ganap ng pamilya, kung saan nilagyan ni Viy ng pekeng pasa sa mukha ang ilan sa kanilang mga kasama sa bahay, na nagdulot ng nakakatawang mga eksena.

Kasunod nito, nagtungo naman si Viy kasama ang kanyang pamilya sa Velasquez Farm sa Silang, Cavite, upang magpahinga at mag-bonding.

Sa pagpapatuloy ng vlog, ibinahagi naman ni Viy ang isang mahalagang update tungkol sa nalalapit na paglabas ng antibacterial soap para sa mga bata sa ilalim ng Tiny Buds. Ayon kay Viy, ang inspirasyon sa likod ng produktong ito ay ang kanyang anak na si Kidlat. Layunin nitong makatulong sa pangangalaga sa mga batang aktibo sa paglalaro at madalas pagpawisan.

Bukod dito, naglaan din si Viy ng oras para sa kanyang self-care sa pamamagitan ng pagbisita sa Belo Medical Group. Dito, sumailalim siya sa iba’t ibang facial at skincare treatments upang mapanatili ang kanyang blooming na itsura sa kabila ng kanyang abalang schedule.

Hindi rin nagpahuli sa kulitan si Junnie Boy nang pilitin niyang alamin ang pangalan ng crush ni Kidlat. Gayunpaman, pabirong sinabi ni Kidlat na hindi niya kailangang sabihin ito dahil hindi naman niya tatay si Junnie. Bilang tugon, ipinaliwanag naman ni Junnie ang kanyang papel bilang tito at ninong ng bata.

Sa huling bahagi ng vlog, namasyal naman si Viy kasama ang kanyang mga anak at ilan sa kanilang mga kasama sa bahay sa isang mall. Bukod sa pamimili, sinubukan din nila ang isang amusement ride na naghatid ng tawanan at hiyawan sa grupo.

Netizens’ Comments

Samantala, maraming netizen ang natuwa sa mga masasayang tagpo at nakakaaliw na moments ng pamilya Velasquez sa vlog.

@SnapsofEm: “Kaya siguro masaya panoorin ‘yung vlog ni Viy, kasi hindi lang pamilya nya ‘yung masaya, dinadamay niya sa saya pati mga staff niya.”

@lei.yang.17: “Si Kidlat may crush na. Hahahaha! Cute ng mag Tito/Ninong Junnie.”

@maxinerosecurib1121: “Itong realiTViy talaga pinaka fave kong series. Sana everyday.”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
18
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *