Viy Cortez-Velasquez Turns Japan Trip Into a Special Experience for Ate Mina

Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si Viy Cortez-Velasquez na gumawa ng paraan para mapasaya ang isa sa mga taong tumutulong sa pag-aalaga sa kanyang anak na si Kidlat.

Tunghayan ang sorpresang inihanda ni Viy para kay Ate Mina, na may layuning mapasaya ito at mabigyan ng panibagong experience sa kanilang Japan trip. Paano kaya niya tinanggap ang espesyal na sorpresa?

“KIMINOYAWA”

Sa simula ng vlog, ipinakilala ni Viviys si Ate Mina bilang isa sa mga nag-aalaga sa kanyang panganay na anak na si Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a. Kidlat. 

Bukod sa tulong nito sa pag-aalaga sa kanyang anak, nais din niyang mapasaya si Ate Mina matapos mapansin ang mga post nito na patungkol sa kanyang pagluha.

Dahil dito, nagkaroon si Viy ng misyon na mapasaya siya habang nasa Japan. Una niyang tinanong si Ate Mina kung single ito bago nila sinimulang pumili ng mga damit at boots para sa kanilang pictorial. Matapos mamili, nagkaroon din sila ng pagkakataong mag-party sa Tokyo kasama sina Cong TV at Mama Acar.

Sa kanilang pag-uusap, nabanggit ni Ate Mina na hindi niya nakuha ang pangalan ng lalaking nakilala niya sa bar. Bagama’t nagkaroon sila ng iba’t ibang bonding activities, napansin pa rin ni Viy na may kulang sa karanasan ni Ate Mina sa Japan.

Kaya naman, nag-isip si Viviys ng paraan upang makabawi at makapagbigay ng panibagong pagkakataon para ma-enjoy nito ang biyahe. Tinawagan niya ang kakilalang si Rio upang mag-ayos ng sorpresa para kay Ate Mina. 

Kalaunan, nakilala nito si Ono, na nagpakilala sa sarili at nagkaroon ng pagkakataong makipag-date kay Ate Mina sa Tokyo. Hinikayat naman ni Viviys si Ate Mina na mag-enjoy at maging sarili habang siya naman ang mag-aalaga sa mga bata.

Family Activities in Japan

Bukod sa sorpresa kay Ate Mina, ipinakita rin sa vlog ang iba’t ibang aktibidad ng pamilya Velasquez sa Japan. Dinala nina Viy at Cong si Kidlat sa KidZania, kung saan maaari itong sumubok ng iba’t ibang trabaho at kumita ng play money.

Isa sa mga aktibidad na ginawa ni Kidlat ang pagtrabaho sa isang Ponzu Factory. Ipinakita sa vlog ang paghahanda nito para sa trabaho, pagsunod sa mga instructions at paggawa ng sarili nitong ponzu sauce.

Napansin din ni Viy na ginagaya ni Kidlat ang mga ginagawa ng ibang bata habang inoobserbahan ang kanilang mga galaw. Kahit nahihirapan itong intindihin ang mga salita at instructions, nagawa pa rin nitong makilahok sa aktibidad.

Nagkaroon din ng pagkakataon si Kidlat na sumubok ng iba pang trabaho, kabilang ang paggawa ng pastry sa Audrey Patisserie Shop Pavilion.

Naglaan din sina Viviys at Cong ng oras para mag-picnic sa park kasama sina Kidlat at Tokyo. Sa kanilang bonding moment, ipinakita sa vlog ang paglalakad ni Tokyo sa damuhan at ang paglalaro ng mga bata kasama si Cong.

Ayon kay Cong, nakatuon ang kanilang Japan trip sa mga aktibidad para kina Kidlat at Tokyo. Nagpasalamat din sina Viy at Cong sa Avian Summit sa pagtulong sa pag-aayos ng kanilang itinerary, reservations, visa, at iba pang travel arrangements na nagpadali sa kanilang biyahe.

Netizens’ Comments

Samantala, pinuri naman ng netizens ang natural na storytelling sa mga vlog nina Viy at Cong, ang kanilang pagiging relatable bilang pamilya, at ang kabaitan ni Viy sa mga taong tumutulong sa pag-aalaga sa kanilang mga anak.

@louieregencia5233: “Sobrang perfect ng family na ‘to. Kung meron man akong iniidolo na mga vlogger sa panahon ngayon, isa talaga itong si Cong at Viy. Natural at walang halong kaplastikan ‘yung relasyon at vlog nila. Team Payaman lang talaga sakalam for me. Power!”

@maurenmanza819: “Umaastig na din talaga ang storytelling ng vlogs ni Viviys. Bonus ‘yung naish-share [niya] sa ating lahat ang glimpses sa buhay pamilya nila. Sobrang layo na ng narating niyo. Nakakatuwa. God bless your fam even more.”

@MelchitaPace: “I’m so proud of Viy how she treat her angels. Sana lahat ng amo ganun itrato ang kanilang mga angels. Bihira ang ganitong kindness sa kasambahay. Salute sa’yo, Viy. The best ka kaya kagi ako na kaabang sa’yo. I’m a silent fan. God is blessing you because of your beautiful heart.”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
32
Article Tags:
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *