MassKarambulan: Team Payaman Wild Dogs Take Over Bacolod with Mountain Dew

Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong vlog ni Junnie Boy  kasama ang buong barkada sa Bacolod para makiisa sa selebrasyon ng MassKara Festival.

Festivity and Nostalgia

Sa latest vlog ni Junnie Boy, tampok ang kanilang masayang pagbisita sa City of Smiles, ang Bacolod, kasama sina Cong TV, Burong, Boss Keng, at Dudut. 

Habang iniikot ng Wild Dogs ang probinsya, hinding-hindi nawalan ng kulitan at asaran ang barkada mula sa mainit na debate tungkol sa kung saan talaga nagmula ang Chicken Inasal hanggang sa pinakahihintay ng lahat na linyang “Boy, meron akong kwento!” na agad nagdala ng malaking nostalgia at nagpa-flashback sa mga manonood ng mga lumang biro noong pandemic kasama sa mga vlogs ni Cong TV.  

Matapos ito ay sunod-sunod na ibinato ang mga nakakatawang “pabilisan ng lolo” jokes na talagang ikinapikit at ikina-init ng ulo ng mga kasama sa sobrang corny pero solid pa rin.

Hindi rin nagpahuli si Nanay, isang masayahing lokal mula sa Bacolod, na nakipagsayawan pa at nagpakita ng malupit na energy sa edad na 75, kaya naman lalo pang sumigla ang buong paligid habang naglilibot sila sa mga bahay-bahay.

Fun Moments

Hindi rin pinalampas ng tropa ang maglaro ng sarili nilang nakakatuwang bersyon ng “Deal or No Deal” kasama ang isang lokal at si “Banker,” kung saan nagtalo pa sila kung pera ba o ang cooler na puno ng Mountain Dew ang mas pipiliin.

Sa gitna ng lahat ng laro at tawanan, naging seryoso rin ang usapan tungkol sa pagtanda, pamilya, at mga responsibilidad sa buhay. 

Sa huli, napagtanto ni Junnie Boy na kahit may mga pagbabago na sa kanilang buhay, hindi pa rin nawawala ang dating sigla at kagustuhan na magpapasaya ng tao.

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang naghatid ng kanilang reaksyon matapos mapanood ang Bacolod experience ng TP Wild Dogs.

@JaelFrades: “BOY, MERON AKONG KWENTO” FINALLY, THE COMEBACK WE DIDN’T KNOW WE NEEDED HAHAHAHAHA! hindi na vlog ‘to, therapy session na naman ng mga OG paa and ka-giyang.”

@angelicarosecipriano6106: “After mapanuod ‘to, may isa lang din akong na-realize. Kay Junnie Boy, puro tawa talaga. Mostly maiiyak ka, pero sa tawa. Pero kay Junnie Dad, matatawa ka pa rin nang sobra. Pero maiiyak ka rin dahil sa lalim at bigat ng mga litanyang binibitawan. Grabeng upgrade, sobrang nakaka-proud!”

@FNSM1962: “Pagka ‘boy meron akong kwento’ nag si flashbackan lahat ng magagandang memories nung 2021 eh.”

@macbrylle091188: “Literal na Sugod Bahay ang ginawa niyo. Worth waiting mga Vlogs mo. Sana monthly na. Kaka mis mga kwento mo.”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
23
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *