Junnie Boy Gives Computer Setup a Fresh Look in Latest Vlog

Isang computer setup makeover at masayang gaming session ang tampok sa pinakabagong vlog ng Team Payaman dad na si Junnie Boy.

Bukod sa pagbibigay ng bagong ayos sa kanilang computer area, naghatid din ng aliw sa mga manonood ang ilang nakakatawang eksena sa kanilang paglalaro.

‘GAMERA’

Sa simula ng vlog, napansin ni Junnie ang magulong ayos ng kanilang computer area kaya ibinahagi niya ang plano niya para sa bagong layout ng mga computer at monitor sa pamamagitan ng isang floor plan.

Kasama sina Bok at iba pang kasama sa bahay, nagtulungan silang maglipat ng mga kagamitan at mag-set up ng bagong workstation. 

Kabilang dito ang isang mesa na pansamantalang kinuha mula sa silid nila ni Vien upang makatulong sa bagong layout ng kanilang computer area.

Sa kanilang usapan, ibinahagi rin ni Junnie na nais niyang magamit ng anak na si Mavi ang computer sa mga aktibidad na makatutulong sa paghasa ng isip at pagpapakita ng kanyang pagkamalikhain, kabilang ang paggawa ng art.

“Doon lang tayo sa mae-enhance ‘yung utak niya. Mga art, ganun,” ani Junnie.

Matapos ang setup makeover, nagkaroon din ng gaming session ang grupo sa larong ‘Meccha Chameleon,’ isang multiplayer hide-and-seek game kung saan kailangang magtago ang mga manlalaro sa pamamagitan ng pag-angkop ng kanilang kulay at disenyo sa kapaligiran.

Sa kanilang paglalaro, nagkaroon ng ilang nakakatawang eksena habang hinahanap ng mga kalahok ang isa’t isa sa loob ng virtual map. Isa sa mga ito ang paghahanap nila kay Mavi, na nagtago sa ilalim ng kama bago siya tuluyang makita ng grupo.

Netizens’ Comments

Samantala, umani naman ng positibong komento ang vlog, kung saan nagpahayag ang ilang manonood ng interes na makakita pa ng gaming content kasama si Mavi at ang iba pang miyembro ng Team Payaman.

@gomezmarklouie1260: “Petition, buong [Team Payaman] Wild Dogs maglaro nito. Masayang content ‘to.”

@DeeeJay07: “May potential si Mavi. Mga ganitong laruan muna [ang] okay sa kanya. Buti na lang nagkaroon ng Meccha Chameleon.”

@vvvvvvvvjel: “Wahh! Sobrang cute ni Mavi!!! More vlogs with Mavi. Huhuhu.”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
24
Article Tags:
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *