Tokyo Athena Marks Last Monthly Milestone Before Turning One

Muling naghatid ng saya ang magkapatid na Tokyo Athena at Zeus Emmanuel, a.k.a. Kidlat, sa kanilang huling monthly milestone photoshoot bago ang nalalapit na unang kaarawan ni Baby Tokyo.

Agad namang umani ng papuri mula sa mga tagahanga ang nasabing photoshoot, lalo na sa mga patuloy na sumusubaybay sa buwanang milestone ng unica hija ng mag-asawang Viy Cortez-Velasquez at Cong TV.

Tokyo as Princess Merida

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman mom na si Viy Cortez-Velasquez ang mga larawan mula sa huling monthly milestone photoshoot ng kanyang bunsong anak na si Tokyo Athena, na malapit nang ipagdiwang ang unang kaarawan.

“My babaita! Malapit na 1 ka na agad. I love you, my mini me,” ani Viy sa kanyang post.

Para sa ika-labing isang buwan ni Baby Tokyo, nagsagawa muli ang Team Cortez-Velasquez ng themed milestone photoshoot sa tulong ng The Baby Village Studio, na hango sa Disney animated film na ‘Brave.’ 

Sa nasabing pelikula, si Princess Merida ay isang prinsesang Scottish na kilala sa kanyang matapang na personalidad at sa pagnanais na piliin ang sariling landas, na nauwi sa isang mahiwagang pangyayari kung saan naging oso ang kanyang ina na si Queen Elinor.

Sa naturang konsepto, binigyang-buhay ni Baby Tokyo ang karakter na si Princess Merida, habang ang kanyang Kuya Kidlat naman ay kumatawan sa oso sa kuwento. Nakadagdag sa tema ang berdeng costume ni Baby Tokyo na gawa ng Posh & Pearls, na kahalintulad ng suot ng prinsesa sa pelikula.

Bukod dito, tampok din sa set ang isang Princess Merida–themed cake mula sa Doughable, na bahagi ng detalye ng photoshoot.

Netizens’ Comments

Kasabay ng pagdiriwang, maraming online titos at titas ang nagpaabot ng kanilang pagbati kay Baby Tokyo at sa kanyang Kuya Kidlat.

Donee Lambay: “Isang mini Cong TV at isang mini Viy Cortez-Velasquez. Ang galing! Hahahaha!”

Cleng Cordoba: “Bukod kay Tokyo inaabangan ko rin mga pose ni Kidlat.”

Jessa Mae Arguilles: “Happy 11 months old, baby Tokyo! Super cute!”

Rose Ann Martinez Aurellana: “Ang bilis [mag] 1 year old na agad si baby Tokyo. Super cute ng mag kapatid!”

Nicole Pulos: “Happy 11th month, baby girl!”

Likes:
0 0
Views:
24
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *