Kevin Hermosada Shares a Glimpse of His Daily Grind in Latest Vlog

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Kevin Hermosada ang kanyang life update, kung saan ipinasilip niya ang mga aktibidad na bumubuo sa kanyang abalang araw.

Mula sa paggawa ng musika hanggang sa baking at personal deliveries, kitang-kita ang dedikasyon ni Kevin sa musika at negosyo, kasabay ng pakikipag-ugnayan sa kaibigan at mga katrabaho.

‘HUSBANDADERYA’

Sa simula ng vlog, ipinakita ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang kanyang oras sa isang recording studio habang abala sa paggawa ng bagong kanta.

Kasunod nito, ibinahagi rin niya ang kanyang aktibong partisipasyon sa Tibabi’s Kitchen kasama ang asawa na si Abi, simula sa pagbe-bake ng alas-kwatro ng umaga hanggang sa paghahanda ng mga order.

Mula sa kusina, lumipat ang papel ni Kevin bilang ‘delivery boy’ nang personal niyang ihatid ang mga baked goods sa bahay ng kapwa TP member na si Viy Cortez-Velasquez, kung saan nagkaroon ng biruan kasama ang ilan pa niyang mga kaibigan.

Matapos nito, bumalik si Kevin sa pagbuo ng kanta, pati na rin sa mga simpleng gawaing bahay tulad ng paghuhugas ng pinggan.

Sa pagpapatuloy ng vlog, ipinakita ni Kevin ang kanyang recording session kasama ang producer na si Kenneth Ponce, kung saan nakilala rin niya ang kapatid nito na si Angelika Lois Ponce, a.k.a. ‘JikaMarie,’ isang Filipino singer-songwriter. Hindi maiwasan ni Kevin ang nerbiyos at paghanga kay Jika, lalo na nang tulungan siya nito sa recording.

Sa huling bahagi, muling naghatid si Kevin ng mga produkto ng Tibabi’s Kitchen sa Congpound, kabilang ang paborito ni Cong TV na Milky Donuts at ilang produkto na espesyal na ibinigay para sa kanya.

Netizens’ Comments

Samantala, maraming manonood ang nagbigay ng suporta at pagbati kay Kevin, bilang pagpapakita ng kanilang paghanga sa kanyang dedikasyon.

@shenesmeria: “God bless you and your family po, kuya Kevin!”

@princhtoast: “You deserve to have the recognition God has for you, kuya Kevs! Good bless sa inyo ni ate Abi!”

@stillmerwin: “Namiss ko bigla ‘yung Tibabi’s Ensaymada. Tuwing TP Fair lang nakakabili.”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
18
Article Tags:
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *