
Isang masayang adventure ang ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng matapos nilang bisitahin ang Ocean Park sa Hong Kong kasama ang kanyang mga kaibigan.
Sa naturang post, makikita ang kanilang buong araw na paglilibot sa iba’t ibang bahagi ng nasabing theme park, na kilala sa mga exciting rides, educational exhibits, at mga paboritong atraksyon ng mga lokal at bisita mula sa ibang bansa.
HK Ocean Park Experience
Sa isang Instagram post, ipinakita ni Boss Keng ang pagsisimula ng kanyang adventure sa Ocean Park x Sanrio Characters ‘Undersea Dream Adventure,’ kasama ang kapwa TP members na sina Kevin Hufana, Michael Magnata, a.k.a. Mentos, Nigel Tagle, at Limuel Acompanado.
Sa ‘Undersea Dream Adventure,’ tampok ang makulay na undersea-themed exhibit, pati na rin ang kilalang Sanrio characters tulad nina Hello Kitty, Cinnamoroll, My Melody, Kuromi, Pompompurin, at Hangyodon, na bahagi ng isang hindi malilimutang karanasan sa nasabing pasyalan.


Kasunod nito, nagtungo sila sa ‘Giant Panda Adventure,’ isa sa pangunahing atraksyon ng Ocean Park, kung saan nakita nila ang giant panda twins na sina ‘Jia Jia’ at ‘De De,’ kasama ang iba pang pandas sa kanilang naturalistic na tirahan.
Sa huli, hindi pinalampas ng grupo ang ‘Sea Lion Feeding,’ na nagsimula sa pagpapakita ng kakayahan ng mga sea lion sa pangunguna ng mga animal caretaker, at sinundan ng pagkakataong sila mismo ang magpakain sa mga ito.







