Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie Boy sa kanilang mga bagong vlogs.

Tunghayan ang buong konteksto ng kanilang labanan bilang ‘Bantatay’ at ‘Kalabantay’ sa kabila ng kanilang pag-alis sa Congpound. 

Oplan Kalabantay

Maalalang unang naglabas si Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy, ng vlog kung saan ipinakilala niya ang sarili bilang si ‘Bantatay’ — ang padre de pamilya na nagbabantay sa kanilang bagong tahanan.  

Agad naman itong sinundan ng bagong vlog ni Exekiel Christian Gaspar, a.k.a. Boss Keng, kung saan ipinakilala naman niya ang sarili bilang si ‘Kalabantay’ na susubok sa galing ni ‘Bantatay’.

Ang Team ‘Kalabantay’ ay binubuo ng Team Boss Madam na sina Mentos, Nigel, at Sonny J na ang pinaka misyon ay makuha ang hawak na lightsaber ni ‘Bantatay’.

Matapos nilang magplano ay agad silang nagtungo sa bahay ni Junnie Boy upang mapagtagumpayan ang misyon. 

Una nilang naging hadlang ay ang sumalubong sa kanilang bantay na asong si Apple. 

Ang maganda dito, kilala tayo ni Apple,” ani Boss Keng bago tagumpay na naka-akyat sa gate. 

Ngunit, ilang sandali lamang ay nasundan agad ito ng ikalawang hadlang dahil namataan ni Junnie Boy si Boss Keng. 

Ginagawa mo diyan, pre?,” tanong ni Junnie Boy. “Mangangamusta lang,” palusot ni Boss Keng.

Buti nakilala kita. Itong ginawa niyo na ‘to, warning ‘to. Huwag niyo na uulitin ‘to ah,” ani Bantatay na tagumpay sa kaniyang mapagmatyag na duty sa madaling araw.

Matapos ang malambing na kamustahan, pagpapaalam, at halikan, lingid sa kaalaman ni Junnie Boy ay hawak na pala ni Sonny J ang baril ni Elsa.

Ang pinakagoal natin, makuha natin ang baril ni Elsa,” ani Boss Keng sa Team Boss Madam bago sila pumasok sa bahay ni ‘Bantatay’.

Nang makauwi ang Team ‘Kalabantay’, agad din nila itong ipinaalam kay ‘Bantatay’. 

Bibigyan kita ng isang minuto, dalhin mo ang lightsaber, o hindi mo na ulit makikita ang baril ni Elsa,” ani ‘Kalabantay’.

Nakakatawa kayo mga kaibigan. Ito ang sasabihin ko sa inyo, ‘yang nakuha niyong baril ni Elsa, replika lang ‘yan. Nandito ang totoong baril. Ang tawag diyan patibong para sa mga magnanakaw kagaya niyo,” tugon ni ‘Bantatay’.

Tandaan mo darating din ang araw na mapapasa-amin ang lightsaber. Hindi pa dito nagtatapos ang laban natin, Bantay,” pagtatapos ni Boss Keng. 

Watch the full vlog here: 

Likes:
0 0
Views:
16
Article Tags:
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *