Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na agad nakakuha ng atensyon ng kanilang mga tagasubaybay.

Sa naturang vlog, tampok ang masayang karanasan ng kanyang pamilya at ng buong Team Payaman sa kanilang Christmas party sa Pampanga, kasabay ng paglilinaw kung tuluyan na nga bang wala ang grupo sa Congpound.

‘BYE CONGPOUND’

Sa simula ng vlog, ipinakita ni Viy ang magkakahiwalay na pagbiyahe ng grupo patungong Pampanga, kung saan gaganapin ang Christmas party kasama ang kanyang pamilya at ang Team Payaman.

Sa ibang sasakyan, ipinasilip ang biyahe ng pamilya Gaspar, habang sina Kevin Hufana at Chino Liu ay nagbahagi ng kanilang damdamin tungkol sa paghiwa-hiwalay ng mga bahay ng grupo, na nagdulot sa kanila ng pakiramdam ng separation anxiety.

Hindi rin nawala ang biruan at asaran ng ibang miyembro tulad nina Michael Magnata, a.k.a. Mentos, Anthony Jay Andrada, a.k.a. Yow, at Tereso Garcia, a.k.a. Kuya Terio, na nagpapakita ng natural at malapit na samahan ng grupo.

Pagdating sa Pampanga, nagkaroon ng reunion ang buong pamilya Velasquez at mga miyembro ng Team Payaman. Tampok sa vlog ang bonding ng mga apo kasama ang kanilang Lolo Marlon at Lola Jovel, pati na rin ang playtime at swimming sessions ni Kidlat kasama ang kanyang mga Titos.

Bukod dito, ipinakita rin ang kanya-kanyang Christmas costumes ng Team Payaman at ang mga larong tulad ng ‘bring me’ na may premyong mula 500 hanggang 10,000 pesos, na pinangunahan nina Viy at Chino.

Sa pagtatapos ng vlog, nilinaw ni Viy sa kanilang mga taga-suporta ang tungkol sa Congpound. Ayon sa kanya, totoo nga’t hiwa-hiwalay na sila ng tirahan, ngunit mananatili pa rin ang Team Payaman na buo at magkakaugnay bilang pamilya at grupo.

Netizens’ Comments

Samantala, maraming manonood ang nagpahayag ng suporta at pagmamahal sa Team Payaman, iginiit na nananatiling buo ang samahan ng grupo sa kabila ng mga pagbabago.

@alexkhodr9597: “Nagbago ng tirahan, hindi ng tahanan. Kahit maghiwa-hiwalay pa kayo ng kontinente, kayo-kayo pa rin ang tahanan ng bawat miyembro ng Team Payaman. More paawer, Team Payaman, and wishing everyone a blessed 2026.”

@albun.5: “Mahal ko kayong lahat, guys. ‘Wag na ‘wag kayong mawawala. Kayo ang sumasalba sa kalungkutan naming lahat.”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
25
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *