Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang malaking desisyon nila ng asawa niyang si Gab Santos na lumipat ng tirahan kasama ang kanilang anak na mas kilala bilang Sunsun.

Sunsun’s Welfare

Sa isang post, inilahad ni Carlo ang dahilan ng kanilang paglipat at kung gaano ito naging makabuluhan para sa kanila bilang isang pamilya. 

Sobrang worth it ng paglipat. Mas maraming outdoor activities kapag maganda ang neighborhood. Medyo mahal, pero kung para talaga sa happiness at development mo, go lang,” kwento ni Carlo.

Dagdag pa niya, ang kanilang naging desisyon ay higit sa lahat para sa ikabubuti at paglaki ng kanilang anak, lalo na sa pagbibigay ng mas ligtas at mas aktibong kapaligiran para kay Sunsun.

Dahil dito, umani ng papuri at paghanga mula sa kanilang mga taga suporta ang nasabing hakbang, lalo na mula sa mga kapwa magulang na naka-relate sa kanilang sitwasyon.

Netizens’ Comments

JD Pascual: “Iba talaga kapag para sa anak.”

Arkin Abe-Abe:  “Cute naman ni Sunsun. Hindi siya tulad ng tipikal na kabataan ngayon na panay computer at phone. Siya yung mahilig din sa outdoor activities.”

Virginia Antonio: “Thanks be to God for my answered prayer for all of you. God bless you!”

Likes:
0 0
Views:
16
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *