Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din ng masayang TP Awards upang kilalanin at parangalan ang bawat miyembro sa kanilang natatanging katangian at kontribusyon sa team ngayong taon. 

Puno ng tawanan, kwela moments, at kasiyahan ang selebrasyon, na nagpakita kung gaano kasaya ang tinitingalang vlogger group sa bansa. 

Special Recognitions

Isa sa mga special recognition ay para kay Cong TV, kung saan iginawad ang ‘Late Pero May Content Award’ at ‘Camera On, Personality On Award’ dahil sa kanyang pagbibigay ng kalidad na vlogs sa kabila ng pagiging late o kapag nakatutok ang camera. 

Si Viy Cortez-Velasquez naman ay tumanggap ng dalawang awards: ang ‘Human Laugh Track Award’ dala ng kanyang nakakahawang halakhak.

Tumanggap din sita ng ‘Most Likely to Vlog Kahit May Lagnat Award’ bilang patunay ng kanyang dedikasyon sa paggawa ng content.  

Si Vien Iligan-Velasquez ay ginawaran naman ng ‘Biggest Glow-Up (Pero Same Ugali) Award.’

Samantala, si Burong ay pinarangalan sa Best Costume at muli sa kanyang quirky trait bilang ‘Always Hungry, Never Busog’, na hindi nauubos ang energy at gana sa pagkain.

Ang ‘Budol Award’, bilang pagkilala sa pagkakaroon ng “bagong gastos” sa team, ay napanalunan din ni Viy. 

Habang si coach JM Macariola ay nakakuha rin ng special recognition bilang ‘Ang Sad Boy ng Taon’ awardee.

‘Ang Most Likely to Forget the Script Award’ ay napanalunan ni Bok Magnata, habang ang ‘Most Likely to Cancel Last Minute Award’ ay napunta naman kay Clouie Dims. 

Ang ‘Team Payaman Survivor Award’ at pagkilala sa ‘Most Resilient Team Payaman Member’ ay iginawad naman din kay Viviys. 

Funny Comments

Matapos mapanood ang maikling awarding vlog, marami sa mga manonood ang natuwa sa Team Payaman.

Mage: “Best costume (Burong) tapos siya lang naka-costume HAHAHAHAHA”

Marie Joy Santiago: “Pinaka konting vlog (Cong )  ngayong 2025”

Allyza Caguimbal:  “Ms. Viy Hakot Award – Yarnnnn! Pang-FAMAS Award”

Mary Joy Grospe: “AKala ko yung Never Ending Busog Award kay Kidlat, yun laging naghahanap ng rice eh,”

Marjorie Francisco Genobiagon: “Sa sunod may kalaban sa si Viy na best in tawa award hahahaha si Kidlat”

Likes:
0 0
Views:
13
Article Tags:
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *