
Tunghayan ang ilang life update ng Team Payaman member na si Aaron Macacua, a.k.a Burong, kasama ang ilang mga kaibigan sa kanyang pinakabagong YouTube vlog.
Coffee Hack
Sinimulan ni Burong ang kanyang vlog sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ilang tipid tips sa isang kilalang coffee shop.
Apat silang magkakaibigan, pero dalawa lang na pinakamalaking size ang binili nilang kape. Dinagdagan niya lang ito ng apat na takeout cups at nagbayad ng PHP416.
Nakumpirma ni Burong sa barista na ang halaga ng isang kape sa mas maliit na sukat ay PHP205, at kung apat ang binili niya, aabutin ang kanilang bill ng PHP820.

“Kalahati, tipid talaga,” proud na komento pa ni Burong matapos isalin ang inorder niyang dalawang malaking kape sa apat na takeout cups.
Subalit, noong panahon na ng tikiman ay laking gulat nina Burong nang tila naging mas mapakla ang lasa ng kanilang kape.
“Budget meal, premium ang pait,” biro pa nila.
Foot Massage
Bilang pasilip naman ni Burong sa Taiwan trip ng ilang Team Payaman Wild Dogs, itinampok niya ang nakakaaliw na foot and shoulder massage session experience n’ya kasama si Marvin Velasquez II, a.k.a DaTwo.
Una silang pinagpalit ng pantalon bilang paghahanda sa trenta minutos na pamasahe.
“Ano kayang mangyayari sa kamay ng nag-mamassage kay DaTwo?” biro ni Burong.
“Malalapnos, pards?” banat naman ni DaTwo.

Habang nag-rerelax ay nakipagkwentuhan din ang mga ito sa kanilang taga-masahe sa tulong ng Google Translate.
“How can I make a Taiwanese fall in love with me?” tanong ni DaTwo, “You need to learn Chinese,” sagot naman sa kanya.
Kwento ni DaTwo, nabanggit daw sa kaniyang tila hindi natitipuhan ng mga babae sa Taiwan ang mga Pinoy, noong tinanong niya kung bakit, ang lumabas na sagot sa Google Translate ay “Do you like your money?”
Biro ni Burong ay baka iniisip ng taga-masahe na wala siyang pera kung kaya naisipan ni DaTwo na ibidang siya ay isang licensed dentist sa Pilipinas.
“Minamaliit ata ako nito, labas ko PRC ko eh,” biro ni DaTwo.
TikTok Live
Isa rin sa ipinasilip ni Burong ay ang panonood ng random TikTok livestream kasama sina Steve Wijayawickrama at Cyrill Factor.
Dito ay may nakasalamuha sila na isang singer, isang martial artist, at isang nanay na nag-aasikaso sa bahay, na kanilang binigyan ng TikTok gifts na maaaring ma-convert sa pera, kapalit ng ilang requests.
“Sa susunod ulit, tignan natin kung kailan natin gagawin ito,” pagtatapos ni Burong.
Watch the full vlog here:





