
Sa isa na namang episode ng ‘Cooking Ina’ serye ni Viy Cortez-Velasquez, good vibes at kwentuhan na naman ang hatid ng Team Payaman momma habang nagluluto siya ng mga pagkaing kulay green na ayon sa kanya ay inspired daw sa kwento ng swerte ni Cong TV.
The ‘Green Luck’
Habang naghahanda ng mga rekado, ikinuwento ni Viy na napanood niya ang isang video interview ni Junnie Boy, kung saan nabanggit na may parang “bantay” o elementong sumusunod kay Cong, na nagpo-protekta at nagbibigay ng swerte sa kanya.
Ayon sa kwento ni Junnie, kapag may taong may masamang intensyon laban sa kapatid n’yang si Cong, bumabalik daw iyon sa kanila, dahilan kaya nananatiling positibo at maayos ang takbo ng mga bagay sa paligid niya.

Doon din napansin ni Viy na halos lahat ng brand partnerships ni Cong mula sa Mountain Dew, Mang Inasal, hanggang sa iba pa nilang negosyo at gamit sa bahay ay kulay berde. Simbolo raw ito ng enerhiya at proteksyon na dala ng elementong nabanggit sa interview.
Green Dishes = Good Energy
Matapos mapagtanto ang swerteng hatid ng kulay berde, naisipan ni Viviys na magluto ng putaheng may touch of green sa kanyang recent Cooking Ina episode.
Una niyang inihanda ang Tuna Pesto Pasta. Bukod sa pagluluto, patuloy pa rin si Viviys sa pagkekwento ng mga bagay na inaasahang mangyayari sa kanilang pamilya ngayong taon, kabilang na ang haka-hakang may mamamatay silang alagang hayop ngayong taon.
Ibinahagi ni Viy na todo ang kanilang pag-aalaga sa kanilang furbaby na si Cheesecake, a.k.a Ikik. Dagdag pa n’ya hindi rin sila nagkukulang sa pagpapadala nito sa veterenarian upang ipasilip sa doktor.

Pero matapos ang ilang linggo, napagtanto nilang hindi pala si Cheesecake ang tinutukoy — kung hindi si Tawki, ang isa pa nilang alaga. Doon napagtanto ng kanilang pamilya na tumutugma ang sinabi sa kanila ng manghuhula.
Pagkatapos ng lutuin ang pasta, sinundan niya ito ng Buko Pandan, isa sa mga paborito niyang panghimagas. Habang hinahalo ang krema at gulaman, napunta naman ang kwentuhan sa mga simpleng handaan sa bahay, na ayon kay Viviys ay hindi mapapantayan ng kahit anong mamahaling kainan.





