
Matapos ang kapana-panabik ngunit bitin na unang bahagi, nagbalik ang The Viyllage Show ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez para sa finale, tampok ang ilan sa mga kilalang content creators sa bansa.
Sa pangunguna ni Chino Liu, nasaksihan ng mga manonood ang mainit na labanan ng apat na kupunan kabilang ang ToRo Fam, Capinpin Brothers, Kolokoys TV at Team Payaman na nagtagisan ng talino, bilis at diskarte para sa premyong kalahating milyong piso.
The Viyllage Show Finale
Sa unang bahagi ng The Viyllage Show, ipinakilala ni Chino Liu, a.k.a. “Auntiiihhh!’ ang mechanics ng laro at ang walong kategoryang sasalihan ng bawat kupunan. Kabilang dito ang “Ang Dali Lang Eh!”, “Eto Na Nga!”, “Kantanga!”, “Dapat Alam Mo!”, “Viral!”, “Dito-dito Lang!”, “Ano ‘To, Beh?!”, at “Reyal o Fakeh.”
Bawat tanong ay may katumbas na premyo mula P2,500 hanggang P30,000, at may mga espesyal na katanungan na maaaring magbigay ng swap score power kung masagot ng tama. Bukod sa karangalan, ang panalong grupo ay makakapili ng charity na tatanggap ng karagdagang P100,000 mula kay Viy Cortez-Velasquez.
Pagsapit ng pagtatapos ng unang bahagi, nanguna ang Team Payaman na may P47,500, sinundan ng Capinpin Brothers na may P15,000, habang parehong nagtapos sa negatibong puntos ang Kolokoys TV at ToRo Fam.

Sa pagpapatuloy ng ikalawang bahagi ng vlog, agad na bumawi ang Capinpin Brothers matapos makasagot ng tama sa mga tanong tungkol sa Noli Me Tangere at sa bansang may kakaibang anyo ng watawat na Nepal.
Sa kalagitnaan ng programa, nanatiling nangunguna ang Capinpin Brothers sa kabuuang laban. Pumapangalawa ang Kolokoys TV, habang nasa alanganin pa rin ang Team Payaman at ToRo Fam na patuloy na naghahanap ng pagkakataon upang makahabol.

Sa huling bahagi ng laban, nakuha ng Kolokoys TV ang puntos na nagpanalo sa kanila laban sa iba pang kupunan. Sa pagtatapos ng programa, itinanghal silang grand winner na mag-uuwi ng P500,000 at magbibigay ng P100,000 sa napili nilang charity.
Bilang bahagi ng kanilang tagumpay, pinili ng Kolokoys TV na ibigay ang P100,000 sa ‘Silungan ng Pag-asa for Cancer Patient Kids.’ Kalaunan, inanunsyo ni Chino na dodoblehin ni Viy ang premyo ng bawat kupunan kaya umabot sa P125,000 ang kabuuang premyo ng Kolokoys TV at P200,000 naman para sa kanilang napiling charity.

Netizens’ Comments
Samantala, maraming manonood ang natuwa sa ipinakitang talino ng mga kalahok at naantig sa ginawang donasyon para sa mga batang may cancer, dahilan para mas maging espesyal ang pagtatapos ng show.
@CarminaSantos-n3p: “Matalino talaga Capinpin, lalo na teacher, may pilot, and tataas ng mga grades. Pero kudos pa rin sa Team Payaman, Kolokoys, and Toro Fam. Daming napasaya dahil sa video na ito, isa na ako.”
@siblepreciousaudreyd.5798: “Galing ng Kolokoys [TV] haha! Kulelat sila nung una pero bias ko talaga ang Capinpin Brothers. Ang tatalino! More content like this, Viy! Please.”
@ayingayingaustria69: “Naiyak ako ng sabihin ang chosen charity. My daughter has also been a cancer warrior (leukemia) since she was 4 years old. Battling cancer is not easy. We have been fighting for almost 8 years. Sobrang hirap. It will drain you emotionally, physically, mentally and financially. Kaya naman po maraming maraming salamat sa tulong ninyo sa mga batang may cancer. May the Lord give you all more blessing. Good health and happy life. Thank you.”
Watch the full vlog below:
