
Nagbahagi ng personal na health update ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa kanyang bagong YouTube vlog.
Kasama ang kanyang asawa na si Boss Keng at kapatid na si Tiyang Venice, ibinahagi ni Pat ang kanilang naging karanasan sa annual general check-up na isinagawa noong buwan ng Hunyo.
Annual Check-Up Experience
Sa unang bahagi ng vlog, ibinahagi ni Pat Velasquez-Gaspar na sumailalim sila sa fasting kasama ang kanyang asawa na si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a. Boss Keng, at ang kapatid na si Venice Velasquez, a.k.a. Tiyang Venice, bago magtungo sa ospital para sa kanilang annual health check-up.
Ayon kay Pat, mahalaga ang pagpapasuri kahit maayos ang pakiramdam ng katawan. Binigyang-diin niya na ang ‘early detection’ ay susi upang maiwasan ang mas malalang kondisyon gaya ng diabetes, high blood pressure, at mataas na cholesterol.
“May mga health problems din kasi na hindi talaga siya nagsho-show ng symptoms early, like diabetes, high blood pressure, mga cholesterol, yan. So, mas maaga ma-detect mo,” ani Pat sa kanyang vlog.

Pagdating sa ospital, makikitang dumaan si Pat sa iba’t ibang laboratory at diagnostic tests. Kabilang dito ang blood collection para sa Complete Blood Count o ‘CBC,’ Fasting Blood Sugar o ‘FBS,’ Blood Urea Nitrogen o ‘BUN,’ Creatinine, Uric Acid, Sodium, Potassium, Total Cholesterol, Triglyceride, High-Density Lipoprotein o ‘HDL,’ Low-Density Lipoprotein o ‘LDL,’ Very-Low-Density Lipoprotein o ‘VLDL,’ Liver Enzyme, Thyroid Stimulating Hormone, at Hepatitis Screening.
Kasunod nito, isinagawa rin ang Visual Acuity Check para sa paningin at Bioelectrical Impedance Analysis na sumusukat sa body fat percentage, muscle mass, at bone mass.
Bukod dito, sumailalim din si Pat sa Whole Abdominal Ultrasound upang makita kung may mga kondisyon gaya ng gallstones, kidney stones, cysts, o liver disease. Sinuri rin ang kalagayan ng puso sa pamamagitan ng 12-Lead Electrocardiogram o ‘EKG’ upang matukoy kung may arrhythmia o electrolyte imbalance.

Bilang bahagi ng check-up, isinagawa rin ang Stress Test o ‘Treadmill Test’ na nakatutulong upang masukat ang fitness level at matukoy ang posibleng blockage sa arteries. Katulad ni Pat, sumailalim din si Boss Keng sa mga nasabing tests.
Para sa mas komprehensibong pagsusuri, isinailalim din si Pat sa mga test na partikular sa kababaihan gaya ng Pap Smear at Transvaginal Ultrasound. Ayon kay Pat, mas marami talagang saklaw ang female package kumpara sa male package.

Matapos ang halos anim na oras ng iba’t ibang medical tests, natapos din ang lahat ng kinakailangang proseso. Sa huli, ibinahagi ni Pat ang kanyang kasiyahan ng lumabas na maayos ang resulta at walang seryosong problema sa kalusugan.
Bagaman mas mataas ang kanyang metabolic age kumpara sa kanyang edad, ikinatuwa pa rin niya na nananatiling maayos ang kanilang pangkalahatang kondisyon.
Dagdag pa rito, ipinaliwanag ni Pat na nakakaapekto sa kanyang resulta ang katotohanang bagong panganak lamang siya limang buwan na ang nakalipas.
Netizens’ Comments
Samantala, positibo rin ang naging reaksyon ng mga netizen, na nagpahayag ng suporta at nagbigay-diin sa kahalagahan ng annual check-up.
@Warvyolvido-fc7sf: “Ganda na ng [mga] content ng Team Payaman. Good influence para sa healthy living.”
@bretheartgregorio1886: “Power sa inyo, Team PatEng!”
@nuhh_ln: “Ayan, nagkaroon na rin ako ng idea kung pano ko rin malalaman kung may sakit ba ako, hehe. Try ko rin gawin yung mga pinaconsult mo, Ate Pat.”
@karyllesalvacion7914: “Annual check-up is a must.”
@nyloracadriano862: “Health is Wealth.”
Watch the full vlog below:
